“Kamusta na daw si May?” tanong ko kay Max na naunang nakapunta ng hospital kesa sa akin.
Kahapon ay isinugod sa hospital si May Ann. Sumakit daw kasi yung tiyan. After that, lumabas na yung baby nila pero nilagay pa sa incubator dahil hindi pa daw fully develop yung lungs nung bata. Seven months palang din naman kasi yung baby, which can be considered as a premature one.
“Critical daw, Syn. Nagkaroon daw complication regarding dun sa dating sakit ni May.” sagot ni Max sa tanong ko.
Nabaling ang tingin naming dalawa sa pinto ng ICU ng bumukas ito at lumabas doon si Randy. Agad akong lumapit sa kaniya.
“Kamusta?” tanong ko.
“Stable naman na daw siya....p-pero hindi pa alam kung k-kelan m-magigising. H-her doctor said that she's in a coma.” nangingilid ang luha na sabi ni Randy.
Gosh
I don't know what to say so I console Randy in a hug, to make him feel that we are here.
“She'll make it, okay? Tiwala lang. Nagawa niya na noon diba?”
I spent my day here in the hospital together with Max, Jon jon. So we can be here for Randy. Wala namang pasok ngayon si Maven kaya nasa bahay lang siya kasama si Mama. Sa bookstore naman ay tinawagan ko na si Ashley at sinabihan na tawagan na lang ako pag may problema.
When it's already getting dark I decided to go home. Nauna na akong umalis kina Max sa hospital. Palabas na sana ako ng building ng makasabay ko si Troy.
“Hi” I said.
“Hey? How's your friend?” tanong niya at sumabay sa paglalakad.
“Stable na...pero hindi pa din nagigising.” sabi ko atsaka malungkot na ngumiti.
“She'll be fine” nakangiting sabi niya atsaka bahagyang tinapik ang likod ko.
Ngumiti ako.
“Uuwi ka na? Hatid na kita.” sabi niya.
Ngumiti ako atsaka tumango. Inakay niya ako papuntang parking dahil nandoon ang kotse niya. Naging close kami ni Troy nung mga nagdaan na taon. Isa siya sa mga kaibigan kong sobra sobra ang naitulong sa akin. Nurse na rin siya dito sa hospital.
“Hindi ka night shift ngayon?” tanong ko ng makasakay ng kotse niya.
“Nope. Pero bago itong araw na ito, tatlong sunod sunod na night shift.” nakangiwing sabi niya.
Maliit akong napangiti. Hindi maiwasan na makaramdam ng inggit.
Paano kaya kung nakatapos din ako at naging isang nurse?
“Dadaan ka pa ba ng bookstore?” tanong niya.
Nakanguso akong tumingin sa relo.
“Ah, dun mo na lang ako ihatid.” sabi ko.Dadaan muna ako dun saglit tutal medyo maaga pa naman. Titingnan ko din kung may pinagbago ba yung sales o ano.
Tumango siya.
“Did the bank give you enough time to pay?”Nakanguso ko siyang nilingon.
“Hindi ko alam kung sakto ba yung dalawang buwan para sa kalahating milyon.”“Do you need..-”
“Hindi. Okay lang. May naipon na rin naman ako mula nung mag online selling ako. Salamat.”
“Anything for you” sabi niya at maliit na ngumiti.
Nakangiwi ko siyang sinulyapan. Dati ay inamin niyang may gusto siya sa akin. Nagulat ako noon at hindi alam ang sasabihin. I like him but not in a romantic way. Mabait siya sa amin kahit na noon pa. Si Mama nga ay gustong gusto siya.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
Roman d'amourWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes