Halos isang buwan na nang magsimula ang klase. Naging maganda naman ang takbo ng bakasyon ko.
“Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ni Ryken?” tanong ko kay Kath.
Kung hindi ako nagkakamali ay isang linggo na silang hindi nagpapansinan. Nagkaroon ng sila ng LQ.
Malungkot na umiling si Kath at ipinagpatuloy na lang ang pagsusulat sa notebook niya.
Sinulyapan ko si Ryken na nasa may bandang likod katabi ang pinsan niya. Nakipagpalit muna si Kath kay Xavier ng upuan. Katabi ko kasi si Xavier dito sa may unahan.
Nabaling ang atensyon ko kay Xavier ng ngumisi siya at nakapangalumbabang tiningnan ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Mas lalo siyang ngumisi at kinindatan ako.
Umawang ang labi ko at sinimangutan siya bago ako nagiwas ng tingin sa kaniya.
Nitong mga nakaraan ay wala namang pinagbago samin ni Xavier. Lagi pa rin siyang nangaasar at minsan ay kung ano ano ang pinagsasabi.
Masasabi ko naman na close na kami, pero hindi pa rin ako magpapahatid sa kaniya. Hindi ko nga alam sa sarili ko dahil imbes na layuan siya ay parang mas lalo pa akong napapalapit. Dapat ay umiiwas ako pero parang walang kakontra kontra ko pang tinatahak ang daan papunta sa kaniya.
“Your close with that guy?” tanong niya.
Nakatayo kami dito ni Xavier sa may gilid ng gate. Nagaabang ako ng tricycle papunta sa Smart Padala. Masyadong busy si Papa para iabot ang pera sa akin ng personal. Tsaka baka kung ano ano pang sabihin nina Tita Maricel.
Inis ko siyang nilingon. Kanina pa niya paulit ulit na tinatanong yun sa akin.
“Sinabi ko na sayo na magkaibigan kami ni Damon, kami nina Kath.” nauubusan na ng pasensyang sabi ko.
“So your close with him?”
Nakaawang ang labi na nilingon ko siya. Ngumuso naman siya.
“Ewan ko sayo, maghanap ka ng kausap mo” inis na sabi ko at tinalikuran siya.
“It's just that....my cousin-”
Nilingon ko ulit siya
“Yung pinsan mo isang malaking gago. Napaka assuming niya kamo”Hindi man lang hinahayaan magexplain si Kath. Monthsary na nila bukas pero nganga pa rin.
“He was hurt, babe. Don't worry I'll talk to him.”
Hindi ko na sinagot ang sinabi niya at itinuon na lang ang atensyon ko sa unahan. Inis kong kinamot ang noo ko ng wala pa ring dumadaan na tricycle. Gagabihin ako pauwi pag wala pa rin akong nasakyan.
“Ihatid na kaya kita?” tanong niya dahilan para lingunin ko siya.
“Ihahatid na kita dun sa pupuntahan mo....tapos dun ka na lang sumakay ng tricycle pauwi.” sabi niya
Saglit akong nag isip. Pwedeng doon ay may masakyan na ako pauwi. Nakanguso akong tumango.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at pagtango.
“I'll just get my car” sabi niya at saka sumisipol na tumalikod.Nakanguso akong naghintay sa kaniya. Nang huminto ang sasakyan niya sa harap ko ay medyo gumilid ako. Bumaba siya sa driver's seat at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
Ngumiti ako at akmang sasakay na ng may bigla na lang tumulak sa akin. Kunot noo kong nilingon si Aika na ngayon ay prente ng nakaupo sa shot gun seat.
“Get out” sabi ni Xavier at hinila ang braso ni Aika palabas pero nag matigas ito.
“But baby-”
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes