CHAPTER 40

435 24 1
                                    

My days gets busier after our high school reunion. I am preparing for my wedding in the coming month. Everything is almost ready, the reception, church except for my gown.

Tinanong ko si Xavier kung anong gusto niyang theme and motif pero ang sabi niya ay kung ano daw ang gusto ko. So, I decided that I want it to be a black theme wedding. I thought he would say no, but I was surprise when he say yes just like that.

“Anything you want babe, anything you want,” he said.

So I talked to the organizers and told them about the black theme. They gave me brochures to choose from regarding my gown.

All of the designs were beautiful and really elegant. Pati yung presyo niya ang ganda rin.

Nandito ako ngayon sa bookstore kausap yung organizer ng wedding namin sa cellphone. Xavier is with Maven today. Hindi naman talaga ako dapat aalis nang bahay ang kaso ay pinilit nila akong pumunta dito ngayon.

“Just inform me if you already choose from the designs we sent you,” sabi nung organizer sa kabilang linya.

“Okay, thank you.” Nakangiting sabi ko atsaka ibinaba ang tawag.

May napili naman na talaga ako, simple lang ang design pero very attractive tingnan. Hindi pa lang ako makapagdesisyon dahil masyadong nakakaloka yung presyo.

Nagpakawala ako ng isang buntunghininga atsaka sumandal sa back rest ng upuan. Nakanguso kong tiningnan yung text message ko kay Xavier na hanggang ngayon ay wala pa rin reply.

Ano naman kaya ang ginagawa ng mag ama na ito?

Nabaling ang tingin ko sa pinto ng opisina ko ng bumukas iyon. Agad akong napangiti ng pumasok mula roon si Maxine atsaka si Kath.

“Hi” nakangiting bati ko sa kanila atsaka tumayo para yumakap.

Una kong niyakap si Max.

“Hello, kamusta ang preparation?” nakangising tanong niya.

“Okay naman” natatawang sabi ko.

Bumaling ako kay Kath atsaka yumakap. Natigilan ako at nagbaba ng tingin sa tiyan niya.

“Oh my god Kath, malaki na yung tiyan mo” I said excitedly.

“Malamang kasi buntis ako. Tatlong buwan na diba?” pilosopong sagot niya.

Napangiwi ako.

“Ah talaga ba?Akala ko kasi busog ka lang, hindi nahihiranan kahit tatlong buwan na. Buntis ka pala?” kunwari namamangha kong tanong.

Malakas na tumawa si Max at napasimangot si Kath.

“Gaga ka talaga” nakangiwing sabi niya.

Umupo kami at nagsimulang mag kwentuhan.

“Ano nga palang sadya niyo dito?” tanong ko habang kumakain ng pizza.

“Wala naman. Naisipan lang naming tumambay” sagot ni Max.

“Naks, mga asensado sa buhay. Patambay tambay ang drama ng lola mo” natatawang sabi ko.

“Ngayon lang ako nagka-free time okay?” pairap na sabi niya.

“By the way, kamusta na kaya si May? Makakapunta ba siya sa kasal mo?”
tanong ni Kath.

Halos kalalabas lang kasi ni May sa hospital last month. Nagising naman na siya kaso kailangan pa ring tingnan ng doctor at makapag-recover.

“Hindi ako sigurado. Pero sabi ni Rands okay naman na daw siya.”

“Puntahan kaya natin ngayon?” sabi ni Kath.

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon