Seven years later...........“Ate Syndy, bukas na daw dadating yung dalawang box ng bagong stock natin ng educational books na pinapadeliver mo.”
Nag angat ako ng tingin kay Ashley, pinsan ko siya galing probinsiya namin sa Sorsogon, sa Bicol.
“Oo sige. Salamat.”
Kahapon ko pa hinihintay yung mga librong iyon. Binalik ko na ang tingin ko sa papeles na nasa mesa ko.
I inhale a large amount of air as I stare at the notice from the bank. Kalahating milyon ang kailangan kong bayaran sa bangko para hindi mawala sa akin ang bookstore.
Ang problema ay hindi ko alam kung saan ko naman kukunin iyon. Hindi naman ganoon kalaki ang kinikita ng bookstore. Kung hindi pa nga ako nag oonline selling ay baka hindi nakakasapat sa pang gastos namin ang kinikita nito.
Agad nabaling ang atensyon ko sa cellphone kong nakapatong sa gilid ng mesa ng tumunog ito.
Mama calling..........
“Hello Ma?” sagot ko.
“Syndy? Susunduin mo ba si Maven sa school o ako na lang?”
Tumingin ako sa relo ko.
“Ako na lang po Ma” sabi ko atsaka tumayo at nagsimulang mag ayos ng gamit.
“Sige. Ingat kayo.”
Ibinaba ko na ang tawag atsaka naglakad papunta sa pinto.
“Ash?” pagtawag ko kay Ashley.
“Ate? Bakit?” tanong niya at lumabas mula dun sa isang sulok.
“Ikaw na bahala dito. Susunduin ko lang muna si Maven sa school.”
“Sige ate. Ako na magsasara ng bookstore.”
Tumango ako atsaka tuluyan ng lumabas. Pumara ako ng tricycle.
“Manong sa elementary school po” sabi ko atsaka sumakay ng tricyle.
Nang huminto sa tapat ng school ang tricycle ay agad akong bumaba. Pumasok ako ng gate at tinungo ang classroom ni Maven.
Malayo pa ay natatanaw ko na siyang nakatayo sa tapat ng room niya habang nakapatong ang bag sa pasilyo.
Nang lumingon siya sa gawi ko ay ngumiti ako atsaka kumaway. Dali dali niyang kinuha ang bag at tumakbo papalapit.
Nang makalapit ay yumuko ako at pinatakan ng halik ang pisngi niya.
“Sabi ni Mommy sayo, wag kang tatakbo. Baka madapa ka.” sabi ko atsaka pinunas ang pawis sa noo niya.
“Sorry po. I love you” nakangusong sabi niya.
Napangiti ako. Lagi niyang sinasabing 'I love you' kapag alam niyang magagalit na ako. Sobrang sweet niyang bata lalo na sa amin ni Mama pero masungit at hindi pala imik sa iba.
“Kamusta? Mahirap ba yung mga lessons niyo ngayon?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami palabas ng gate.
“Hindi po. Kaya ko na po yun, big boy na po ako eh.”
Nakangiti akong tumango.
“Oo nga pala, big boy na ang baby ni Mommy. Bilisan na natin ang pag uwi, naghihintay na si Lola sa bahay. Magluluto daw siya ng favorite mo.”“Fried chicken po?” he asked excitedly.
Nakangiti akong tumango. “Opo. Fried chicken.”
Lumawak ang ngiti niya atsaka ako patakbong hinila.
“Bilisan natin Mommy”
Natawa ako dahil mukhang nahihirapan naman siya sa ginagawang paghila sa akin kaya naman bahagya akong nagpagaan at nagpahila sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomantizmWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes