CHAPTER 22

304 19 3
                                    

A week after the class start, we decided to meet up with the others, Randy, May, Max, and Jon jon. Just to catch up.

Nasa parehong university kaming lahat pero magkakaibang department. Randy and Xavier is in Business, Jon jon took Crim, May Ann picked the HRM course while Max is in fine arts department.

“So Kath did really quit her studies?” Nanghihinayang na sabi ni May.

“She can't afford it,” malungkot na sabi ni Max.

Nalulungkot ako para sa kaniya. I know she wanna be an attorney.

“Kamusta na kaya siya? Hindi ko pa nakakausap eh,” sabi naman ni Randy.

“Pumunta ako sa bahay niya kahapon pero si Camille lang ang naabutan ko dun. Nasa trabaho daw si Kath,” sabi ko.

“Lagi siyang nagtatrabaho. Sabay sabay kasi ang naging gastusan nila.”

“I heard from my Mom, that she's already a regular in our cafe.”

Napatingin ako kay Xavier ng sabihin niya iyon.
“Talaga? Next time puntahan natin siya, pwede?” tanong ko.

“Of course babe” nakangiting sabi niya at iniakbay sa akin ang braso niya.

“Eh si Ryken? Nagulat ako nung nalaman ko na nag ibang bansa siya. Bakit naman kasi siya umalis?” sabi ni Max.

“Dati pa lang ay yun na ang gusto niya. Besides, if ever that he stay here, Tito Kenji will definitely take over his life.” sagot naman ni Xavier.

“Alam niyo ang sasama ng ugali niyo. Pinaguusapan niyo si Kath behind her back.”

Nakangiwi kong nilingon si Randy at sinamaan ng tingin.

“Yang jowa mo talaga walang masabing maganda” nakangiwing sabi ko kay May Ann.

Naiiling namang natawa si May Ann.

“Don't talk to her sweetheart.” nakangusong sabi ni Randy habang pilit na iniiwas ang mukha ni May Ann sa akin.

“Para kang tanga” natatawang sabi ko.

“Atleast para lang, ikaw-”

“Ako ano?” pasigaw kong tanong.

“Ikaw.....matakaw” nangaasar na sabi niya.

“Hayop ka talaga,” sabi ko at akmang tatayo para abutin ang buhok niya ng hilahin ako paupo ni Xavier.

“Calm down, babe,” natatawang sabi niya

“Siya kasi eh,” nakangusong sabi ko.

“Don't get annoyed, it's true anyway” dagdag niya pa.

Inis kong hinila ang buhok niya atsaka sinabunutan.
“Isa ka pa, sure kang hindi kayo magkapatid ni Randy?” Nakangiwing sabi ko.

“What? Why?” Natatawang tanong niya.

“Pareho kasi kayong magaling mambwisit at lagi rin ako ang dinidemonyo niyong dalawa.”

Natawa siya atsaka pinisil ang pisngi ko.

“I love you Maria,” nakangiting sabi niya at pinatakan ng halik ang noo ko.

Katatapos lang ng klase ko. Nakatayo ako dito sa tapat ng building namin dahil hinihintay ko si Xavier. Mas una kasi ang sched ko sa kaniya. 30 minutes pa akong maghihintay bago matapos yung last subject niya.

Kinuha ko yung lecture ko kanina at sinimulang mag memorize. Dahil first year ako ay medyo pressured and adjusting pa ako sa college life. Nakakatakot bumagsak, sayang. I was in the middle of memorizing when I felt that someone stood beside me.

The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon