Next week na ang completion rites namin. One week to go, hello senior high school. Dito pa rin naman ako sa Holy Heart, loyal ako.
“Hoy, Vice Pres hinahanap ko ni Sir John. Punta ka daw sa faculty.”
Inutusan ako ni Sir na sabihan si Damon pagnakita ko. Sakto naman na nakasalubong ko siya.
“Bakit daw?” tanong ni Damon.
“Aba malay ko, ako ba si Sir?” nakangiwing tanong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin atsaka lumapit para guluhin ang buhok ko.
“Pusang ina, wag kasi” asik ko sa kaniya at hinawi ang kamay niya.
“Wag kasi” panggagaya niya sa akin.
Inambahan ko siya ng suntok. Tatawa tawa naman siyang tumakbo palayo, pupunta na yatang faculty.
Inis kong inayos ang buhok ko atsaka muling naglakad. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay agad akong napatigil ng masalubong ng mata ko ang masamang tingin ni Xavier.
Bahagya akong napaatras ng maglakad siya papalapit.
“A-ano?” naiilang na tanong ko ng huminto siya sa harapan ko.
Nilingon niya ang daan na tinungo ni Damon kanina at saka muling nagbaba ng tingin sa akin.
“Your not with that guy, right?”Nangunot ang noo ko.
“Hindi mo siya boyfriend?” ulit niya.
Kunot noo akong umiling.
“Hindi noh”Tumango siya.
“Good. Hindi naman kayo bagay.”Umawang ang labi ko at tinaasan siya ng kilay.
“Talaga? So?”“Yeah, hindi siya bagay sayo.” nakangising sabi niya.
“So sino pala ang bagay sa akin?”
“Ako” nakangising sabi niya pero ramdam ko ang pagkaseryoso ng tono niya.
Nagugulat akong tumingin sa kaniya atsaka siya inirapan ng makabawi sa pagkagulat.
“Asa ka” nakangusong sabi ko atsaka siya nilagpasan.
Tumatawa siyang humabol sa akin at sumabay sa paglalakad.
“It's true, though” natatawang sabi niya.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
“Tumigil ka nga” asik ko sa kaniya.Tumawa siya. Nanlaki ang mata ko ng pisilin niya ang pisngi ko at ilapit ang mukha niya sa akin.
“Pikon” nakangising sabi niya atsaka ako tinalikuran at nauna ng maglakad.
Napahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang mabilis na kabog ng dibdib ko.
Siraulo talaga
Pumasok ako sa CR at bahagya akong natigilan ng makita si Aika at ang mga kaibigan niya doon. Sabay sabay silang lumingon sa akin at nakataas ang mga kilay.
Nakagat ko ng labi para pigilan ang tawa. Nakayuko akong dumiretso sa isang cubicle.
“Kunwari pang hindi daw gusto tapos nakikipaglandian sa hallway.”
Nangunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ni Aika.
“Sigurado naman akong hindi ka ipagpapalit ni Xavier sa iba dyan.”
Natigilan ako ng marinig ang pangalan ni Xavier. Naitikom ko ang bibig ng mapagtanto kung sino ang pinaparinggan nila.
Padarag kong binuksan ang pinto. Bahagya pa silang nagulat ng tumama ito sa dingding at gumawa ng ingay.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomanceWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes