“Ate Judith naman, wag namang ganito” nangingilid na luha na sabi ko habang hawak ko siya sa braso.
“Pasensya ka na. Inutusan lang din naman ako.”
Nakagat ko ang labi ng tumulo ang aking luha.
“Ate, may dalawang linggo pa naman ako diba? Bakit naman ganito?”“Maganda kasi talaga ang demand ng property na ito. Maraming kompanya ang may gusto. Nung nalaman na may utang ito sa bangko ay dun na sila dumidiretso.”
Nanlaki ang mata ko ng makitang sinimulan na nilang buhatin yung mga kahon ng libro.
“S-sandali lang po kuya, sandali lang...” sabi ko at pilit silang pinipigilan.
Si Ashley naman ay umiiyak na rin at nakayakap sa akin.
“Ate Judith, please naman. Babayaran ko naman na ito ng buo eh. Kunting oras na lang.” nagmamakaawa na sabi ko.
“Ate please, importante sa akin itong lugar na ito.” umiiyak na sabi ko.
“Sorry talaga. Wala akong magagawa.”
Lalong nagsituluan ang mga luha ko ng mas dumami yung mga tauhan ng bangko na nagbubuhat ng mga gamit ng store palabas.
Nagulat na lang ako kanina na biglang dumating si Ate Judith at sinabing kailangan na naming umalis. Nagulat ako dahil hindi pa naman tapos yung palugit namin, bakit pinapaalis na agad kami.
Pinulot ko yung librong binigay sa akin ni Xavier noon na nahulog sa estante. Umiiyak na niyakap ko iyon. Si Ashley naman ay naupo na lang, napagod na rin makipag-agawan ng libro.
Nawawalan ng pag-asa kung tiningnan ang paligid habang isa isa na nilang kinukuha ang laman ng buong store. Kanina pa ako nagmamakaawa mula ng dumating sila pero hindi talaga sila pumapayag. Hindi pa rin naman sakto yung pero ko. Kulang pa iyon ng ilang libo kaya ayaw rin nilang tanggapin. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Naupo ako sa isa sa mga upuan atsaka yumuko. Patuloy sa pag agos ng mga luha ko sa pisngi. Nang kuhanin nung isang lalaki yung isang kahon ng libro sa gilid ko ay hinawakan ko siya sa braso.
“K-kuya...please naman po...” umiiyak na sabi ko.
“Pasensya na po Mam” sabi niya at dinala na ang kahon at isinakay sa truck.
Muli akong napayuko at nakagat ang labi ng muling bumuhos ang luha. Anong sasabihin ko kay Mama mamaya pag uwi ko? Kay Maven? Ano nang gagawin ko?
Nag angat ako ng tingin ng marinig na muling bumukas ang pinto. Umawang ang labi ko sa gulat ng makita ang seryosong mukha ni Xavier. Naglalakad siya papunta sa akin. Nakasunod sa kaniya si Ate Judith.
Wala sa sarili akong napatayo ng makalapit siya.
“A-anong ginagawa mo dito?” nahihirapang sabi ko.
Naglakbay ang tingin niya sa kabuuan ng mukha ko bago ako tinalikuran at hinarap si Ate Judith.
“How much?” walang emosyon na tanong niya.
Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya?
“Five hundred...five hundred thousand” ssgot ni Ate Judith.
Nataranta ako at agad na lumapit sa gawi ni Xavier ng makita kong naglabas siya ng checke at sulatan iyon.
“Xavier...” pagtawag ko sa kaniya atsaka hinawakan ang braso niya.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Nakagat ko ang labi atsaka dahan dahang umiling. Nakakahiya sa kaniya.
Nagbaba siya ng tingin atsaka ipinagpatuloy ang sinusulat. Nang matapos ay ibinigay niya iyon kay Ate Judith.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
Roman d'amourWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes