“Nak, kinausap ko si Ericka. Sabi ko ayusan ka bukas para sa prom niyo.”
Napatingin ako kay Mama ng magsalita siya habang nag aagahan kami.
“Ericka? Sino pong Ericka?” takang tanong ko.
“Si Ericka, dating Eric.” natatawang sagot ni Mama.
Natatawa naman akong tumango.
“Sabihan mo na rin sina Kath kung wala pang mag aayos sa kanila ay dito na lang din sila.”
Nakangiti akong tumango. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay Mama na pupunta na ng school. Lumabas ako ng gate ng bahay at nag abang ng tricycle. Nang may dumaan ay pinara ko ito agad at sumakay.
Excited ako para sa prom bukas. Para sa akin iyon ang pinaka highlights ng high school life. Isa pa bago bet ko yung damit ko pati na rin yung nahiram kong sapatos ni Max noong isang linggo. Naiiling na lang ako habang naalala ang nangyari ng araw na iyon lalo na nung uuwi na kami.
Flashback.........
“Ihinto mo na lang ulit diyan sa may kanto.” sabi ko at tinuro ang kanto kung saan ako sumakay kanina.
“What? Why? Hindi naman diyan ang bahay niyo, right?” takang tanong niya.
“Basta. Ihinto mo diyan”
Nang ihinto niya ay bumaba ako agad at inalis ang helmet ko.
“Thank you. Sige na, uwi ka na.” nakangiting sabi ko.
Kunot naman ang noo niya.
“Anong gagawin mo dito?”“Mag aabang ng tricycle.” simpleng sabi ko.
Bahagya siyang natigilan at mariin na tumingin sa akin. Napanguso naman ako at nag iwas ng tingin.
“Seriously? I can take you home.” naiinis na sabi niya.
“Alam ko, pero ayoko nga magpahatid sayo, okay?”
Mamaya makita pa siya ni Mama tsaka baka maissue pa kami. Ayoko ng issue lalo na kung siya ang kasama ko.
“Why? Because I'm not courting you.” nakataas ang kilay na tanong niya.
Bahagya akong natigilan.
“O-oo” sabi ko na lang para matigil na siya.Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin.
“You being unreasonable.” nakakunot ang noo na sabi niya.Nag iwas ako ng tingin at hindi na siya pinansin. Bahala siya. Pinara ko yung paparating na tricycle.
Nang huminto iyon ay agad akong lumapit para sumakay. Bago ako pumasok sa loob ay nilingon ko muna siya. Kunot ang noo niya at masama ang tingin niya sa akin.
“Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng parents mo.” sabi ko at akmang sasakay na ng magsalita siya dahilan para matigilan ako.
“Fine, then.” nakangising sabi niya.
Nilingon ko siya ng kunot ang noo.
“Let me court you.” nakangising sabi niya dahilan para manlaki ang mata ko at umawang ang labi.
A-ano?
“I will court you, babe.” nakangising sabi niya at binuhay ang motor saka pinatakbo umalis.
BINABASA MO ANG
The Undefeated (Holy Heart High School Series #2)
RomansaWill she win against him on his own game or he'll remain Undefeated? Holy Heart High School Series #2 Maria Syndy × Xavier John Book cover is edited by: Shān Writes