Chapter 4

30 11 0
                                    

KAYE

SUMIGAW ako at agad lumayo sa kaniya pagkatapos ay sinampal siya ng sandok. "Aray!" Napaatras siya habang sinapo ang ulo na tumunog dahil sa sinampal ko gamit ang bagay na 'yon. Bigla akong natauhan pero hindi ko iyon pinahalata. "Y-you, pervert!"

Bumilis ang aking paghinga habang nakatingin sa kaniya na hawak hawak ang kaniyang ulo at pikit mata. Nakaramdam ako ng awa pero tumaas ang kilay ko. "Ang oa mo, alam kong hindi 'yan masakit, sandok lang 'yan."

Nilampasan ko siya at nagsalita. "Bagay lamang 'yan sa 'yo, makahanap ka nga babae akala mo gwapo ka?! In your ugliest dream! Pareho lamang kayo ni Kai!" Dumating ako sa hagdan at bago ako umapak sa isang ang ang nagsalita ako at tumingin sa kaniya na ngayon ay nakaawang.

"Pero at least mas gwapo si Kaivin sa 'yo,"

Inirapan ko siya at pumunta sa ikalawang palapag. Agad akong huminto at siniguradong hindi niya ako nakita dahil nakatulala lamang ako habang nakatingin sa mga pintuan doon. Saan ba ako matutulog nito? Tatlong pintuan ang nandoon at ang isa ay nasa pinaka gilid. Doon ako naglakad at akmang hahapitin ang door knob nang biglang nawalan ng kuryente.

Atomatiko akong tumili at sinigaw ang pangalan niya. "Eros! Eros! Puntahan mo ako dito, Eros Drake!" Bahagya ko ding natawag si mommy dahil sa takot. Pumandyak ako at idinikit ang likod sa pader dahil baka mamaya niyan may multo pa sa likod ko. Bigla akong pinawisan nang walang sumagot sa akin. Patuloy kong tinawag ang kaniyang pangalan at parang kinakapos na ako ng hininga.

Mas lalong lumakas ang tili ko nang marinig ko ang yapak na umaakyat sa hagdanan, papalapit sa akin. "I-ikaw ba 'yan?" Para na akong maiiyak dahil sa takot. "E-Eros.." Nakadikit lamang ako sa dingding nang marinig ko ang kaniyang boses na ikinaginhawa ko. How the freak can he see between the darkness?

"T-turn on your flashlight--"

"Ayoko nga."

Pumandyak ako at inilahad ang kamay sa hangin, nagbabakasakaling mahawakan siya. "P-please!" Ramdam ko ang aking pawis na patuloy sa pagtulo. "Ayoko paren,"

"Ano ba! Ang dilim, wala akong makita!"

"Sino gwapo sa aming dalawa ni Kaivin?" Kumunot ang noo ko. "Bakit ka ba nagtatanong. S-saan ka?" Bumaling baling ako kahit wala akong makita. "Sagutin mo muna ako, para bigyan kita ng ilaw. Sino gwapo sa aming dalawa?" Lumunok ako. "S-siya." Pero mas gwapo ka, ayaw ko lang umamin, aber. Magkakamatayan man tayo. "Ah, walang ilaw sige, alis na ako, nandiyan si Barbara sa likod mo--"


"I-ikaw! Ikaw ang gwapo! P-please!"


Narinig kong bumungisngis siya. "Sabihin mo muna, ang gwapo mo, baby." Kinagat ko ang aking labi at sinabunutan ang buhok. Para akong tanga dahil kinikilig ako pero natatakot dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. "Hindi ako nakikipagbiruan, Eros." Seryoso kong sabi.

"Okay, sige d'yan ka na lang--"

"E-eto na! Ayaw kong magsinungaling sa Panginoon, p-pero..." Bumuntong hininga muna ako at pinakalma ang sarili. "A-ang gwapo mo, baby." Pumikit ako at lihim na kinutungan ang sarili. I hate his childish game. Napakurap ako nang tuluyan na siyang nawalan ng imik, dahan dahan ulit lumaki ang aking kaba. "E-Eros?"

Isang masilaw na bagay ang tumambad sa akin kaya pumikit ako at muling nagmulat ng mata. Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay ngising ngisi habang nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa kaniyang cell phone na naka- flashlight. "Ayan, kung saan saan kasi inilagay ang cell phone." Nanigas ako nang dahan dahan siyang lumapit sa akin.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon