KAYE
"BAKIT ka umuwi?" Nagtatakang tanong ni mama noong binuksan ko ang malaking pintuan ng bahay. "Basa ka, Kaye! Ano'ng nangyari sa 'yo?!" Lumapit siya at akmang akong hawakan pero tinabig ko ang kamay niya.
"Dito muna ako matutulog, Ma."
Dumiretso ako sa paglakad at pumunta sa dating kwarto. Kahit basa, humiga ako sa kama at ramdam ko ang lamig pero wala na akong pakialam.
"Kayezhia, lalagnatin ka niyan, halika nga dito, upo!" Dala ni mama ang tuwalya at hinihila ako sa braso, walang gana kong sinunod ang kaniyang gusto. "Bakit ka nagkakaganiyan? May umaway ba sa 'yo?" Binalingan ko siya.
"Bakit parang may pakialam ka?" Mapait kong sabi na ikinatigil niya. "Huwag mo akong sasagutin ng ganiyan, wala kang karapatan." Hindi ako sumagot habang pinupunasan niya ang basa kong buhok. "Sagutin mo ako, bakit ka naging ganito? May nangyari ba?"
Naluluha ko siyang tinignan. Pakiramdam ko, walang wala ako sa oras na 'to. Namalayan ko na lamang ang sarili na bumabagsak ang aking luha galing sa nananakit kong mata. "M-Ma, sa lahat ng lalaki, b-bakit si Eros pa ang gusto n-niyo para sa'kin?" Biglang gumaralgal ang boses ko. Ramdam kong tumigil siya. "Konektado ba ito sa nangyari sa iyo?" Umiwas ako ng tingin.
Bumuntong hininga siya. "Nahihirapan ka na ba? Sabihin mo sa'kin." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nang magtama ang paningin namin, doon na bumuhos ng todo ang aking mga luha.
"M-Ma, ayaw ko pang maikasal... W-wala pa akong alam." Humagulhol ako at umiling, nanlabo ang aking mata dahil sa mga luha. "A-ayoko pa, m-ma." Niyakap ko siya ng mahigpit at lumakas ang iyak. "Sinaktan ka ba niya?" Biglang sumeryoso ang boses niya.
"N-no--"
"Sabihin mo sa'kin ang totoo." Aniya sa matigas na tono. Hindi ko siya nasagot dahil sa ako'y natigilan. "Kayezhia!" Napaigtad ako at kinagat ang labi. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso, ang kaniyang mata ay may bahid na galit. "N-nakita ko siyang may kasamang i-ibang babae.." Piyok at paos kong sabi. "I knew this was a bad idea." Bulong niya.
"Break up with him, now."
Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kaniya. Oo bago ko pa sinabi na ayaw ko pero bakit ganon? Ayaw ko ding lumayo sa kaniya. I can't do that. "M-mom.." Tumayo siya at lumikha ang kaniyang ugali, ugaling lalabas lamang kapag galit. "Ako na ang bahala sa mga papel--"
"No, don't you dare, Krisha." Biglang sumingit ang baritong boses ng ama ko galing sa pintuan. Galit na bumaling sa kaniya si mama. "What do you mean I don't dare? In the first place I agreed on what you want na ipakasal ang anak natin but now? Hindi na!" Sigaw niya sabay duro kay daddy.
"Para lang sa pamilya natin iyon." Kalma ngunit galit niyang sabi. "Pamilya? Do you think this is family, huh?!" Hindi siya sumagot at tinalikuran si mama. Akma ko silang aawatin pero lumabas din siya at sinundan ang daddy ko.
Napapikit na lamang ako ng mata dahil rinig na rinig ko dito ang away nila.
"Hindi niya na e-enjoy ang pagkabata niya!"
"And so?! Magiging masaya din siya kapag ga-graduate siya ng college, she can do what ever she want with her husband!"
"Husband your face! Nasasaktan ang anak natin!"
"Just shut up!"
Nagulantang ako ng biglang may nabasag galing sa baba.
"You just picked the wrong man for our daughter."
Iyon ang huli kong narinig at kumalat na ang katahimikan ng mansion. Bumuntong hininga na lamang ako at pumasok sa cr. Pinadalhan ako ng pagkain sa itaas na hindi ko magawang galawin. Alas dyies na nang gabi at nakatingin lamang ako sa bintana.
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomantizmKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...