Chapter 16

27 9 1
                                    

KAYE

HINDI ako makatulog kahit anong pilit kong pagpikit. Wala ba siyang klase? Ang lakas ng loob niyang mag panggap, wala talaga siyang hiya. Panay ang siko sa akin ni Antonia na ikinakunot ng noo ko habang pikit ang mata.

"Pst, hoy Kaye." Niyugyog niya ang aking balikat. "Hm, ano ba?" Dumilat ako ng mata at tumingin sa kaniya. Lumapit siya at bumulong sa tenga ko. "Siya 'yung asawa mo 'diba?" Nanatili akong nakatingala sa kaniya sandali. "So, anak ka din ni mang Lito?"

"Huh?!"

Bigla akong napatayo sa gulat at napahawak sa aking dibdib, napalakas ang pagsabi ko no'n kaya lahat sila napatingin sa'kin. Aksidenteng napako ang paningin ko kay Eros habang nagmamaneho, ngumiti siya sa akin kaya kurap mata akong umiwas ng tingin. "S-sorry.."

Hinila ako ni Antonia. "Nagtatanong lang, eh. Umupo ka nga, lagot ka kay ma'am." Umiling ako at hindi pinansin ang sinabi niya. "H-hindi, hindi din siya anak ng driver," Ni hindi ko nga siya kilala maliban sa isa siyang school bus driver. Biglang bumuo ang pagtataka sa mukha niya. "Ha? So, bakit siya nandito?" Nagkibit balikat ako at mas lalong hininaan ang boses.

"Hindi ko nga din alam, kahit nga ako nagtataka." Napailing ako. "Siguro nagpapanggap lang siya at binayaran si mang Lito na siya na lamang mag drive para makasama ka." Umangat ang aking kilay. "Tsk, mukhang mayaman naman si Eros, tignan mo 'yang damit niya, kahit simpleng t-shirt at shorts idagdag mo pa 'yung bag lumilitaw pa rin sa mukha niya na anak mayaman siya."

Hindi ako nakasagot at bumaling kay Eros na ngayon ay nakatitig lamang sa daan. Hindi ko siya halos makita dahil medyo malayo ang pwesto namin sa kaniya, isa lamang ang katabi niya at si ma'am Lorraine. Napaisip ako, may punto si Tonia, nililigawan niya ako at siguro nga tama si Tonton.

Bigla akong napangiti subalit ang ngiti ko ay dahan dahang nabura noong makita kong dahan dahang gumalaw ang ulo ni ma'am Lorraine at bumagsak iyon sa balikat ni Eros.

Pero gumalaw naman ang asawa ko at maingat na hinawakan ang kaniyang ulo papalapit sa kanilang banda. "Ma'am, nakatulog po kayo." Saad niya, agad naalimpungatan si Ms. Lorraine kaya agad agad siyang lumayo. "A-ay, ha? Talaga? Hindi ko alam sorry!" Hinaplos niya ang braso ni Eros na ikinakunot ko.

Kailan pa ba niyang haplusin iyon? Sandali akong nakatingin bago umiwas at umusog ng upuan. Pakiramdam ko sinadya niya iyon, bumalik ang paningin ko sa kaniya at nagtama ang paningin namin, tinaasan ko siya ng noo. Mamaya ka sa'kin.

Pero sige lang, okay lang naman.

Natulog ako na may sama ng loob na parang gusto kong inudnod si Antonia dahil sa galit at ilibing siya na buhay kahit wala naman siyang kinalaman.

Halos isang oras ang tulog ko at gumising lamang ako nang alas onse sa noon. Batid kong kakain kami sa restaurant, diretso akong tumayo at walang pakialam na naglakad kahit hindi pa tuluyang huminto ang bus ay pumunta ako sa pinto, ni hindi ko man lang hinintay si ma'am na magsalita.

"Miss Salva!"

Biglang isinigaw ni ma'am ang pangalan ko kaya nilingon ko siya. "Yes?" Kunot na kunot ang noo niya at halatang galit sapagkat nakaukit ang pag-alala sa kaniyang mukha. "Magpapakamatay ka ba?! Bumalik ka sa upuan mo, wala akong sinabi!" Tuluyan nang huminto ang bus, hindi ko siya pinansin at tinignan si Eros na ngayon ay biglang nangamba dahil alam niya kung bakit ako naging ganito.

Sumensyas ako gamit lamang ang walang buhay na tingin na para bang sinasabi ko sa kaniya na buksan niya ang pinto kung gusto niyang humaba pa ang buhay niya.

Napangisi ako nang binuksan niya nga iyon gamit ang isang button kaya nakalabas ako. Ilang segundo ang lumipas ay nagmamadaling sumunod sa akin si Antonia habang hindi maayos ayos ang cap sa kaniyang ulo dahil sa pagmamadali.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon