Chapter 24

30 8 3
                                    


Senyora-

Ayan may b-day ulet. Happy 20th birth day sa kuya ko. August 29!┌(★o☆)┘ Gagi ampanget mo po. = ) Pero labyu.

________

KAYE

"K-KAIVIN, what are you--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at napalaki ang mata sa gulat nang basta niya lamang inilapit ang labi sa labi ko kaya nakabuo kami ng isang mainit na halik. Kaivin kissed me on the lips.

He sucked and nipped my lips like he's a hungry animal. Nanginginig ang kamay na tinulak ko siya at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng balanse dahil sa ginawa niya. Pumatak ang isang luha ko't hinawakan ang kaniyang dibdib nang bigla na lamang siyang natumba sa lupa habang sapong sapo ang pisngi.

"Putangina mo!"

Nagulantang ako ng basta na lamang sumulpot si Eros at pinatungan si Kai upang sunggaban pa ng suntok. Agad akong lumapit sa kaniya upang awatin ito habang humagulhol nang bigla na lamang niya akong tinulak, kasunod no'n ay ang isang kamay na humila sa aking braso upang palayuin ako.

"Just stay away from them! Sino ka ba?!" Sumingit ang isang pamilyar na boses sa aking likod. Pag lingon ko, nakita ko si Sophia habang galit akong binalingan. "B-bitawan mo ako." Mariin kong sabi at tinalikuran siya. "E-Eros, stop!" Nanginginig ang aking boses dahil nakikita na ako ng dugo.

"Tangina mo! Tangina ka, Kaivin! Ang lakas ng loob mo! Gago ka!" Muli niyang sinuntok ng malakas sa mukha si Kai kaya napatili na ako at hinila ang kaniyang braso. "T-tumingil ka na-" Napahinto ako at impit na umiyak nang bumaling siya sa akin. Galit na galit. Hinihingal siya kaya inilagay ko ang palad sa kaniyang pisngi.

"L-let me explain, mali 'yong n-nasa isip mo.. y-you see--"

"Shut the fuck up." Nasaktan ako at parang may tumambol sa aking puso nang basta niya lamang tinabig ang aking kamay at tumayo. Iniwan niya si Kaivin habang nanghihina at bahagya pa niyang pinunasan ang dugo na tumalsik sa kaniyang gilid ng labi.

"E-Eros, pakiusap." Ibinuka ko ang nga kamay upang yakapin siya ng umatras ito at matalim akong tinignan na ikinatakot ko. "Sa lahat ng kaibigan ko, b-bestfriend ko pa, Kaye." Biglang pumaos ang boses niya, nagmamadali akong umiling. Natatakot na ako. Nabuhay muli ang takot na matagal nang natutulog sa katawan ko.

"E-Eros, hindi 'yon. I'm sorry... S-sorry na.. let me explain, p-please." Umatras siya at bigla na lamang pumatak ang luha sa kaniyang mata. "S-sabi mo sa'kin ka lang? Pero bakit nagpapahalik ka sa iba?! Huh?! Nakukulangan ka na ba?! Now you're starting to flirt with someone--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang malakas at malutong ko siyang sinampal. Bumaling ang kaniyang ulo sa kabilang direksyon at hinawakan ang kaniyang pisngi. Napakurap ako nang mata at biglang natauhan nang makita kong namula iyon. Tinakpan ko ang aking bibig.

"O-oh my God, I'm sorry! I'm sorry!" Nilapitan ko siya nang biglang lumapit si Sophia pagkatapos ay hinawakan ang pisngi ni Eros. Natigilan ako at parang may sumuntok sa puso ko noong nakita ko iyon. "Eros, are you fine?" May bahid na pag-alala ang kaniyang boses. Natutop ako nang humarap siya sa akin, hindi naman nagsalita si Eros.

Bigla niya akong dinuro kaya napaatras ako. Gusto kong lumaban pero natatakot ako. "You bitch!" Napasigaw ako nang bigla niyang hinila ang aking buhok pero sandali lamang iyon dahil may yumakap kaagad sa akin. Napasubsob ako sa matitipunong dibdib ni Kaivin habang hinihingal.

Mas lalong lumakas ang pagpatak nang luha ko at doon na lamang ako uniyak sa kaniyang dibdib habang inilalabas ang sakit na nararamdaman ko. "Subukan mong saktan ang kaibigan ko, Sophia." Mariin at may bahid na galit niyang sabi. Pakiramdam ko sa mga oras na 'yon naging ligtas ako.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon