Chapter 29

36 7 5
                                    

Play the multimedia on top! ∆

Thanks sa nag recommend \(ϋ)/♩

KAYE

HAWAK hawak ko ang cellphone ko habang may pinapanuod doon. Napagakat ako ng labi habang inaalala ang nangyari noong nakaraan na hanggang ngayon hindi parin nawala sa aking isipan.

"Trops, kinikilig ka ba?" Biglang sumingit ang boses ni Tonton sa harap ko.

"H-ha?" Agad akong napaawang at naapayos ng upo. Ngumisi siya sa akin. "Ngumungiti ka, eh habang pinapanuod siya." Nginuso niya ang cellphone kung saan nandoon ang video na kumakanta si Eros.

Huli na noong napagtanto kong nangiti nga ako habang nakatitig sa mukha niya.

"H-hindi naman! W-wala naman, ah. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Agad kong iniba ang usapan. Ibinagsak niya ang katawan sa couch nang opisina ko.

Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang cellphone ko. "Wait." Saad ko at tinignan kung sino ang nag text.

It's from unknown texting me did I already eat. "Who the hell is this? And how did this person got my phone number?" I whispered while frowning. Wala akong ibang naalala na binigyan ko ng number ko maliban kay Kaivin. "Si Kai ba 'to?"

kayezhia: kaivin?

Bakit naman niya ako e te-text ng ganon? Bigla akong kinilabutan. Wala pang ilang segundo nag reply agad ito.

unknown: gege magkasama lang tayo isang gabi nakalimutan mo nako ayos a

kayezhia: huh

Napatutok ako ilang sandali sa screen bago napalaki ng mata noong napagtanto ko kung sino 'yon. Napatikhim ako dahil biglang sumikdol ang puso ko.

unknown: eros po toh ate

Agad akong napaayos ng upo at kinagat ang labi. Inipit ko ang takas kong buhok papunta sa likod ng tenga ko.

kayezhia: so? anong kailangan mo

unknown: hahaha ala lang miss lang kita

Lumabi ako at umirap pero hindi mapigilang kiligin-- I mean mapangiti, ah, erase that hindi ako kinilig at napangiti, 'no. I'm not marupok kaya.

Hehe.

"Gagi, speed." Agad kong ibinaba ang phone at tumingin kay Tonton.

Kumunot ang noo ko at pina-seryoso ang mukha. "What?" Tanong ko. Ugh! Bilisan nga niya sa pag talk, baka naghihintay na si Eros sa reply ko, eh.

"Nag-pi-pick up lines na siya, 'no? O pinakilig ka na? Wagas maka-ngiti, ah. Uy!" Sinindot niya ang aking bewang. "A-ano ba!" Umusog ako at sinikap na huwag tumawa. "Tss, kain na lang muna ako, saan ba kainan dito sa kompanya mo?" Agad kong tinuro kung nasaan iyon para maka-alis na siya.

"Mahal ba bayad sa mga pagkain?" Tanong niya habang nasa pintuan, handa ng lumabas. Umiling ako. "Huwag ka ng mag bayad, sabihin mo bestfriend kita, kung hindi maniwala tawagan mo ako." Sabi ko. Lumawak ang ngiti niya. "Salamat, Trops! The best ka talaga!" Isinara niya ang pinto kaya umiling na lamang ako.

unknown: gagi nandiyan ka pa?

unknown: nakakahiya yon a di mo pala ko miss haha ouch

unknown: busy? ge alis muna ako may rehearsal pako e ingat

Napatayo agad ako at nag reply. Ugh! This is all Tonton's fault! Kung sana hindi niya ako ginulo e di sana nag te-text pa kami ngayon, eh. Ayan tuloy. Ibinulsa ko ang cellphone at lumabas sa office. What if bibisitahin ko siya sa studio nila? Hindi naman halatang miss mo siya, Kaye.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon