KAYE
CONFUSION coated on me when Khaby parked the car on the cemetery. "Why are we here? I thought you'll bring me whom have a birthday today?" I asked consciously but he just smiled. "Yes, and now we're here," He opened the car door then place his hands in front of me.
"What do you mean, Khab?" I said while taking his hand and get out of the car. "It's my mom and sis' birthday." I froze and formed my mouth into an 'oh' so, he's visiting them? "Saan ang kanilang lapida?" Tipid siyang ngumiti at umuna sa paglalakad, kaya sinundan ko siya.
Maya maya ay umupo siya sa dalawang lapida na magkatabi lamang, umupo siya doon kaya huminto din ako at tumabi sa kaniya habang nakatitig sa puntod. "Hi, mom. Hey sis, happy birthday, sorry wala akong dala kahit bulaklak man lang." Pinagpagan niya ito upang mawalan ng aligabok
Bumaling siya sa akin kaya agad akong yumuko. "H-hi, po? Happy birthday, po sa inyong dalawa. I'm Kayezhia Yesha, Khaby's friend. Sorry, I don't know how to call you po, eh." Napakamot ako at binasa ang kanilang pangalan.
Kristina Liri Montilla
Krisanta Lina Montilla
Narinig ko ang mahinang tawa ng katabi ko. "Bakit?" Napataas ako ng kilay pero umiling lang siya at ginulo ang aking buhok. "Krisanta is my mom and Kristina is my small sister," Habang sinasabi niya iyon, may kakaiba sa kaniyang mata na hindi ko matukoy. Sandali kaming natahimik hanggang sa nagtanong ako.
"Ilang taon na si Kristina?" Tumahimik muna siya bago nagsalita. "She passed away when she was three and now she's already six." Bigla akong kinilabutan at naawa dahil sa narinig ko. "B-but, you're okay now?" Biglang humina ang boses ko habang tinatanong iyon dahil pinagiisipan ko pa talaga baka siya'y masaktan, pero nabawasan ang abala ko nang ngumiti lamang siya.
"Oo naman, pero hindi na kagaya noon na halos napatay ko na ang sarili ko." Agad kong sinampal ang kaniyang braso. "Don't say that! Sadyang hindi lang talaga tadhana sa iyo na mawala sa panahong iyon." Umiling ako pero napakurap lamang siya mukhang gulat pero maya maya ay tumawa. "Alam ko naman 'yon." Hindi ko siya sinagot at sinamaan ng tingin.
"I hope they will get the justice they deserve."
I whispered and touches the stone. I waited for his respond and assume he'll answer me but he remained silence. "I hope you'll get the best attorney for the case." I turned to him but I caught him looking at my eyes. So I blinked and touches my face while confusion coated me. "Bakit? Is there something mali ba sa mukha ko--"
"Oo, hindi pantay eyeliner mo."
Biglang kumawala ang malakas niyang halakhak at napahiga sa damuhan habang tumatawa kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya. "Alam mo, para kang sira! Nagdadrama 'yung tao, e'" Reklamo ko sabay sampal ng kaniyang balikat pero pasimpleng hinawakan ang aking mata.
Hindi siya tumigil at humagikgik na tumingin sa akin habang nakahiga parin sa damuhan at sapong sapo ang tiyan. Inirapan ko siya at tumingin sa puntod. "Uhm, tita and baby Kristina? I think po may deperensya sa utak si Khaby." Sabay turo ko sa kaniya. "Wala naman sanang nakakatawa sa sinabi niya, eh." Baling ko kay Khab.
Ngumisi siya at umupo sa tabi ko, may nasagi pang dahon sa kaniyang buhok. "Tsk, itinawa ko na lang kasi 'yong pagka-busted ko." Natigilan ako at tumingin sa kaniya. "Huh?" What's with this guy? "Ang sakit kaya ma friend zone." Umakto siyang nasaktan at hinawakan ang puso. "Ipapakilala sana kita sa mommy at kapatid ko bilang girlfriend ko ngayon, eh." Hindi ako nakapagsalita at napatingin lamang sa kaniya.
Parang nawala ang lahat ng sasabihin ko dahil sa kaniyang salita, pero kahit ni katiting wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang mawalan ng salita. "Hoy, ayos ka lang? Huwag mo nang isipin ang sinabi ko, wala lang 'yon!" Hindi ko siya magawang sagutin at napaisip.
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomanceKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...