Chapter 6

27 9 0
                                    

KAYE

"WALANG klase!" Bungad na sigaw sa akin ni Eluisa. Wala akong magawa kung hindi ang maglakad papunta sa hallway upang ilagay ang mga gamit ko doon. Bumuntong hininga na lamang alo dahil isa isa na namang naghuhulugan ang mga letters.

Hindi ba sila napapagod? Pagod na umupo ako at kinuha 'yon, isinalampak ko iyon sa bag, lahat at walang natira.

Kahit medyo sawa na ako ay pinapahalagan ko parin 'to, I respect someone's effort. I know, naglakas loob pa sila para lamang bigyan ako. But still, we can be friends naman.

Biglang nag vibrate ang cell phone ko kaya kinuha ko 'to at tinignan ang text. It's from tita Marilou, the principal of Claiford High. I frowned when I read her message.

tita: come to my school.

So I texted.

:why po?

tita: dito ka muna.

:okay.

Ibinulsa ko iyon at bumalik sa classroom. "Eluisa?" Tawag ko sa kaniya, tumingin siya sa akin at ngumiti. "Oh, bakit?" Ngumiti din ako at inilibot ang paningin sa loob para habapin ang dalawa. "Pakisabihan na lang sa dalawa na uuna na ako."

"Sasamahan na kita."

"No, okay lang!" Umiling kong sabi pero kinuha niya ang bag at kinalabit na ako sa braso kaya wala akong nagawa. "Asus!" Sabay kaming lumabas at ininahtid nga niya ako sa labas. "Bakit hindi ka mag kotse, Kaye? Alam kong may kotse ka, ang yaman niyo, eh" Pagtataka nito.

Ngumiti ako ng mapait. "Yes, I have but I'm not into driving, I preferred commuting." Dahan dahan siyang tumango. "Hala sige, ako na muna uuna, bibisitahin ko lang mama at kapatid ko."

"Sure, pero sandali lang, parang 'di ko pa sila nakita, eh? Palagi lang kasi daddy ang makasama mo?" Nagkibit balikat siya. "Nasa America, eh. Kakauwi lang ngayon, gusto mo ipakilala kita?" Ngumiti siya at itinaas baba ang kilay. I don't why but I felt excitement in my bones.

"Sure, if I have time, bye!"

Nagpaalam kami sa isa't isa habang papasakay naman ako ng bus. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung saan ang Claiford High pero isa lamang ang sigurado ako, napakalayo non sa Leyson High! Halos dalawang oras ang binyahe ko paparating doon sa tulong ni tita, tinext niya sa'kin.

tita: papapasukin ka ng guard, don't worry.

Tumayo ako sa harapan ng malaking paaralan, bumida sa mata ko ang naglalakihang building at halatang mayayaman nga ang nag-aaral dito.

Bumaling ako sa gate nang may bumukas at lumabas doon ang isang medyo may edad ng babae na naka-uniporme. Oh, it must be the guard. Yumuko ako at kumamot sa batok. "H-hi, po." Ngumiti siya at inanyayahan niya akong pumasok. "Sabi ng principal ihahatid daw kita para 'di ka maligaw, malaki pa naman 'tong paaralan."

Sa pagpasok ko ay halos may matulala ako sa ganda ng field subalit agad akong napatakip sa tenga at lumayo sa kaniya nang bigla siyang sumigaw.

"Hoy! Pasok!"

Dinuro niya ang isang estudyante na lumabas lang naman para siguro magtapon ng basura. Bumaling siya sa akin kaya napalunok ako. "Tara na." Nagsimula kaming maglakad sa ibaba at diretso lamang ang tingin kahit ramdam ko ang titig ng mga estudyante sa akin. May elevator din sila at doon ako niya ako pinasakay.

Lumabas kami pagkatapos ay naglakad sa hallway, muli kong naramdaman ang paligid, ang mga titig nila, ang bulungan.

Habag nakayuko at naglalakad, agad naagaw ng pansin ko ang isang classroom, maingay at umabot dito ang ingay ng bunganga nila. Kumunot ang noo ko at bumaling doon, binasa ko kung anong section ito. Section A.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon