KAYE
"ARAY!" Napasigaw si Khab nang apakan ko ang paa niya. "May galit ka ba sa'kin?" Tanong niya habang kunot noo. Duh, If I could only say yes. Kasalukuyan kaming nag pa-practice ng sayaw para sa darating na anniversary ng school at si Khab ang kapares ko.
"Huh? Ay, sorry." Patawad ko. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa kaniya. "Okay lang. Kain tayo mamaya, Kaye?" Umangat ang kilay ko pero hindi ako makasagot dahil itinaas niya ng dalawang kamay naming magkahawak at pina-ikot niya ako pagkatapos, pagharap ko'y hinawi niya ang aking likod.
"Sige, anong oras?" Tanong ko at ngumiti. "S-so, papayag ka? Mamayang alas kwatro pagkatapos ng last practice mamayang hapon." Tumango ako. Halos isang oras kaming nasa practice room para sa sayaw at bigla akong natawa dahil kay Antonia.
Panay ang ilag niya sa kapares niyang si Jace na bakla din. "Duh, I don't like a boy like you kaya Antonia, chaka mo girl. Ayaw pahawak para namang type kita, 'no." Umirap siya at nag alcohol ng kamay. "Ulol, mama mo." Lumayo din siya kay Jace. "What did you say?" Biglang lumikha ang galit sa kaniyang mukha.
"Wala, ang gwapo mo, Jayson."
Biro ni Antonia. Nabitawan ni Jace ang alcohol at sandaling napatunganga, kumurap siya sa hangin na parang hindi maiproseso sa kaniyang utak ang narinig. "Oh, bakit?" Pinitik ni Antonia ang kaniyang daliri sa mukha ng bakla. Kumurap ito at hinawakan ang kaniyang puso.
"Hoy, Jace?" Tawag ulit ni Antonia sa kaniya kaya napakurap siya. "H-huh? Ah, 'w-wag mo nga akong lapitan!" Sigaw niya at kinuha ang gamit pagkatapos ay nilisan ang lugar, hindi ko alam dahil biglang tumuwid ang lakad niya.
"Anong nangyari doon?" Tanong ni Eluisa habang sumisimsim ng juice. Gusto ko mang sumagot pero tinatamad ako. Pumunta kami sa canteen para kumain, matapos non ay bumalik kami sa dating gawi.
"And one and two and three and four-- oh, ulit may bugok sa likod!"
Sabay silang napabuga sa hangin nang sumigaw ang president ng section namin, si Shynna. "Umayos ka Jace! Bakit ba tulala ka?" Hindi siya sumagot at nanatili siyang tahimik, parang wala pa sa sarili habang ninakawan ng tingin si Antonia na may kinausap na iba.
"Ulit! Contest 'to, okay? Nakakahiya kung matalo tayo dahil sa 'yo, bakla umayos ka."
Something's fishy on Jayson, parang kani kanina lang ay ang hyper pa niya. Hmm. I didn't think of it though, instead I focused my attention on Khab. For almost an hour, our practice finally ended at mag co-continue ulit kami tommorow, we're that busy. The whole school is also busy preparing for the incoming anniversary.
"Oh, tubig." Iniabot sa akin ni Khab ang tubig. Kinuha ko iyon habang namamawis at naalala ko tuloy si mama. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang labakara na pinadala niya sa'kin. Naramdaman kong tumabi sa akin si Khaby habang tinabon ko ng ilang segundo ng labakara ang aking mukha. Kami lamang dalawa ang nasa loob dahil ang mga kaklase ko ay lumabas na. Ang dalawa naman ay babalik rin.
"Kayezhia?"
"Hm?"
Ibinaba ko ang hawak hawak na labakara sa aking leeg upang tuluyan ko nang maiwaksi ang pawis. Ramdam ko ang titig niya sa'kin pero medyo sanay na ako sa kaniya.
"Kailan mo ako sasagutin?"
Halos mabilaukan ako dahil sa tanong niya pero natutop lamang ako sa aking kinauupuan dahil hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. "I-I mean, matagal na kasi kitang gusto. Ilang buwan na din kitang niligawan at sa lahat ng manliligaw mo ako lamang ang nakalapit sa 'yo." Nangilabot ako nang dahan dahan niyang hinawakan ang aking kamay at hinila ang kaming mukha papatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomanceKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...