KAYE
MATAPOS niyang ilapat ang kaniyang labi humiwalay siya at tumingin sa akin. Parehos kaming hinihingal dahil sa ginawa. "Kaye?" Sabi niya matapos ang ilang sandali. "Pwede bang mangako ka sa'kin?" Humigpit ang yakap niya habang ako naman ay nakatanday ang aking baba sa tuktok ng kaniyang ulo.
"Hm? Ano ba 'yon?"
"Pakiusap, huwag mong sagutin si Khab." Atomatiko akong tumingin sa kaniya habang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. "Magagalit ako." Bigla akong tumawa ng nakakaasar. "Then go, be angry." Bigla niyang sinampal ng mahina ang aking hita. "Seryoso ako,"
Inilagay na niya ako upang tumayo na kami habang hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko. "Bakit?" Parang batang galit siyang umiwas ng tingin. "Bakit parang galit ka pa kung magkaka-boyfriend ako? Kuya ba talaga kita?" Humagalpak ako ng tawa. "Excuse me lady, but I'm your husband." Nagulat ako nang basta niyang pinagsiklop ang kamay namin. "And husband don't share his wife." He pulled me closer to him speechless.
Hindi ko inaasahang lalabas iyon sa bibig niya. Lumabas kami sa exit at tuluyan na ngang gumabi. "Saan mo gustong kumain?" Tanong niya habang nagmamaneho. "Kahit saan." Sabi ko nang hindi makatingin sa kaniya ng diretso.
Sa huli dinala niya ako sa McDo at doon kami kumain. Inilagay niya ang tray sa mesa noong natapos na siyang mag order. Napangiti ako dahil sa caramel frappe na inorder niya kasama na doon ang McCrispy chicken fillet McDo with fries, burger and fries and the rest is drinks. "Patatabain mo ba ako?" Tumingala ako sa kaniya.
"Oo, pero hindi sa ganitong paraan." Sumilay ang nakakaloko niyang ngiti at umupo. Kumunot ang noo ko at biglang nagtaka. "Huh? What do you mean?" I asked him. He just look at me in a second while a small smile plastered on his face. "Ang inosente mo, 'no?" Kumurap ako nang inayos niya bahagya ang aking buhok.
"Kain ka na." Hindi na lang ako sumagot at sinunod ang sinabi niya. Kumain kami doon ng ilang minuto habang minsan ay nag uusap. "Why are you being so sweet?" Bigla na kasi akong nagtaka sa kilos niya lalo na noong dinikit niya ang katawan sa akin na para bang pinabantayaan niya ako. Walang buhay siyang umiling. "Ayos ka lang?" Paulit ulit ko na 'yang tanong.
"Hi, Kaye."
Napatigil ako at agad napatingala nang may biglang lumapit sa akin. Agad nanlaki ang mata ko noong makilala ko siya. "Shedrick?" Napangiti ako at kumaway sa kaniya. Kumamot naman siya ng ulo at nahihiyang ngumiti. "P-pasensiya na at dito ko pa talaga magawang mag tanong, na disturbo pa kita at ng kuya mo, may itatanong lang sana ako, eh."
Pinigilan kong tumawa dahil sa sinabi niya. "Ano 'yon?" Pero ang nagawa ko ay ngumiti lang. "T-tungkol ito sa sayaw, puwede pa bang mag palit ng partner?" Napaisip ako sandali. "Sino ba partner mo?"
"I-ikaw sana 'yon, eh kaso naunahan ako ni Khab." Pilit akong ngumisi dahil sa sinabi niya. It's kinda awkward though. "O-oh, 'yon ba? Hindi ko din alam kung pwede, eh, sorry." Tumango lamang siya at akala ko ay aalis na siya subalit nagsalita pa ito.
"Ah, iyon ba? Sige okay lang, salamat. Oo nga pala ang ganda mo ngayong gabi--"
"Anak ng potangina." Lumaki ang mata ko at tumingin kay Eros na ngayon ay matalim nang nakatitig kay Shed na mukhang nagtataka. "Bakit?" Tanong ni Shed pero hindi siya sinagot nito, nakakuyom ang kamao niya habang pinukol ng masamang tingin si Shedrick. Umiling siya at tumingin sa'kin.
"Good bye, Kaye. Bukas ulit." Hindi ako nakailag nang basta niya lamang inilapit ang kaniyang mukha sa aking pisngi subalit hindi iyon natuloy dahil sa isang kisap mata'y naka-upo na siya sa sahig habang sapong sapo ang mukha.
"Tangina ka ba?!"
Biglang umalingawngaw ang boses ni Eros sa loob kaya gulat ko siyang inawat at akmang tutulongan si Shed pero hinila ako ni Eros papalapit sa kaniya. "Ano ba'ng problema mo?!" Biglang nanginig ang boses niya at nasasaktang tumayo. "Sino ka ba para halikan ang asawa ko?! Ano ka ginto?!"
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomanceKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...