Senyora-Today is my kuya's 21st birthday! August 25, huehue. Yie, happy birthday, kuya!
(^∇^)ノ♪ char.Happy birthday den, Third Nareezz! My first fictional boy character! Ss kayo ni Bunjing bunjing mo, separate soon. Dijok, baka masuntok moko, eh. Hehe. muwah! Yeps, ka birthday sila ng pogi kong k0ya <33
Happy birthday den sa mga nag bbday ngayon. =)
______
EROS
NAKANGITI kong tinignan ang mukha ng asawa ko habang natutulog siya sa aking tabi. Humihilik pa siya pero 'yung hilik niya ay mahina lang at bahagya pang nakaawang ang kaniyang mukha. Dumukwang ako upang halikan siya sa labi nang may biglang kumatok.
Mula dito ay naamoy ko kaagad ang pabango ng asungot kong kapatid at sira na kaagad ang araw ko. "Bugok, kain na." Patuloy niyang kinakatok ang aming pintuan. "Mamaya na." Saad ko,
Ang akala ko ay hihinto na siya dahil sinagot ko ito pero mas lumakas ang kaniyang katok. "Ano ba, Eron!" Iritado kong sigaw.
Humalakhak siya mula sa labas. "Wala gusto kang kitang guluhin," Kinalabog niya ang pinto kaya nagmamadali akong lumapit doon at pinagbuksan siya. Sinalubong ko siya ng masamang tingin subalit ngumisi lamang ito.
"Putang..." Bumilis ang pag ginhawa ko. "Putang... In..." Tangina, gusto ko siyang murahin pero hindi ko alam pero 'di ko kayang murahin ang kuya ko! Pinag-cross niya ang kaniyang mga braso at itinaas ang kilay. "Ano? Mumurahin mo ako?" Pagmamayabang niya. Inirapan ko siya. "Bobo, ang panget mo." Sinarhan ko siya ng pinto at padabog na umupo sa kama.
Bigla siyang tumawa at narinig ko naman ang yapag niya papaalis. "Tsk." Ginising ko si Kayezhia at sabay kaming bumaba. Mag iisang linggo na kami sa bahay ng lola namin at walang araw na hindi ako binubuyset ni Eron. Habang kumakain ay busy si mommy sa pagkukwentuhan kasali si Kayezhia habang si Era naman ay wala sa mood, halatang gusto ng makalabas sa lugar na ito.
"Nakabalik pa nga siya ng hospital noong last week dahil madalas na siyang nahihilo." Rinig kong sabi ni Kayezhia. Napabuntong hininga na lamang ako. Pero ngayon ay maayos naman ang daddy niya. Pinisil ko ang kaniyang kamay at agad siyang bumaling sa akin na malungkot ang ngiti.
"EROS, maganda ba?" Mula sa salamin, humarap sa akin ang asawa ko habang ngumingiti ng malawak. Biglang bumilis ng tibok ang puso ko at pakiramdam ko namumula ang aking pisngi dahil napakaganda niya. "O-oo naman." Tumikhim ako at muling tumingin sa kaniya.
Birthday ng lola ko kaya may magaganap na party. Imbitado lahat ng tao sa hacienda at taga iba pang lugar. Naka-suot si Kayezhia ng red dress at ako naman ay naka black polo at slacks lang. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa bewang sabay amoy ng kaniyang leeg.
"Shit." Mura ko nang maamoy ko ang nakaka-adik niyang amoy, narinig kong tumawa siya ng mahina. "I'm so mabango hindi ba?" Hindi ko alam pero kapag nagiging konya siya ay mas lalo akong magkakagusto sa kaniya. "Yes, always." Sabi ko at hinalikan siya sa labi nang may kumatok na naman. Napaikot ako ng mata dahil sa irita.
"Kuya, tara na daw sa baba."
Saad ni Era. "Eros, sabi ni mommy bilis daw. Sabihin mo na lang din kay Kayezhia, malamang sabay naman kayo." Sabay ni Eron. Nagkatinginan kami ni Kayezhia at inilahad ko sa kaniya ang aking kamay. Her hand is soft as her. Hinalikan ko ang likod ng kaniyang palad habang manamnam na nakatitig sa kaniya na ngayon ay pulang pula na ang pisngi.
"Tara?" Tumango siya at ngumit. Sabay kaming bumaba at sumalubong agad sa amin ang maraming bisita. Napailing na lamang ako nang makita ko si Eron na may katabing dalawang babae habang umiinom ng wine. Tumingin siya sa akin at kumaway na parang inanyayahan ako sabay ngiti ng nakakaloko. Pinandilatan ko siya ng mata at mabuti na lamang ay wala si Kayezhia sa tabi ko dahil may pinuntahan.
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomanceKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...