Chapter 25

36 8 10
                                    

KAYE

GABI na habang nakaupo ako sa swivel chair ni daddy at hinihintay siya. Dalawang araw na ang lumipas simula noong nangyari iyon at alam na ng mga pamilya namin, dalawang araw na ding hindi kaming hindi nagkikita.

Umupo ako ng maayos sa kaniyang swivel chair at napatingin sa mga papel na nasa mesa niya. Tumingin ako sa orasan, matagal pa siyang makauwi dahil alas otso pa lamang ng gabi.

Magulo ang kaniyang mesa dahil sa mga papel na nandoon kaya naisipan kong linisin ang mga 'yon. Binuksan ko ang drawer at inilagay doon ang mga folder nang mag ring ang cellphone ko. It was dad, texting me he's coming. Muling umingay ang cellphone ko. Akala ko si daddy ulit 'yon pero si mama lang pala.


mom: your friend is here

kaye: who?


mom: lisa



Kumunot ang aking noo then texted back.


kaye: just tell her wait a minute


Bumaba ako at agad at pumunta sa salas kung saan nakita ko si Lisa na kausap si mama Nakangiti ang kaibigan ko pero bigla akong nahiya dahil hindi man lang magawa ni mama na ngumiti pabalik. Tumikhim ako. "Hi ma, this is Eluisa, friend ko, po." Isang tango lang ang ibinigay niya at nakasimangot na tumayo.

Kinurapan ko siya ng mata at binigyan naman niya ako ng. What? Is-there-a-problem?-look. Bumuntong hininga na lamang ako at nagpaalam sabay hila ni Lisa sa itaas. "Let's go to my father's office." I smiled. "It seems like your mom doesn't like me." She whispered. "What? You sure? I don't see it kasi, eh."

Pinagbuksan ko siya ng pinto papasok sa opisina. "Welcome!" Tumawa ako ng mahina at pina-upo siya. "So, ano ba ang ginagawa mo dito?" Umupo ako sa swivel chair ni daddy pagkatapos ay ipinagpatuloy sa paglinis ang desk niya. Malungkot siyang bumaling. "Kailangan ko kasi ng kausap, puwede bang mag kwento sa'yo?" Tumango ako. "Sure!"

"Today is my mom and little sister's death anniversary."

Napahinto ako sandali pero hindi din agad iyon pinansin. Nag-angat ako ng tingin. "Oh, I'm sorry to hear that." Ngumiti siya sa akin. Inaamin ko medyo natakot ako sa sa titig niya. "So, can you tell the story?" Kahit hindi ko sila ka-ano ka-ano ay nalulungkot din ako. Tumawa siya at tumango.

"Of course!" Umayos siya ng upo. "I was in junior high at that time. Nagta-trabaho ako sa bukid kasama 'yung isa ko pang kapatid. Wala kaming kaya noon dahil iniwan din kami ng papa namin," Nagkibit balikat siya. Nanatili akong nakatitig sa kaniya at handa na ulit makinig. May kapatid si Lisa? Hindi ko alam 'yon dahil sa matagal na naming magkasama ngayon lang siya nag kwento.

"Sino 'yung kapatid mo?" Bumukas ang kuryosidad ko. Nginitian lamang niya ako at nagpatuloy. "Naalala ko pa no'n, palagi kaming inaaway at tinatawanan dahil dukha lang kami. Hindi naman namin sila pinapansin at pinapangako ko sa sarili ko na magiging successful ako, kasama 'yong pamilya ko at si mama." Umiwas ako ng tingin at binuksan ang drawer ni daddy habang pinapasok ang kaniyang sign pen.

Nanatili parin akong nakikinig sa kaniyang kwento. "Hapon no'n noong wala na kaming makain, halos mamalimos na nga 'yung kambal ko sa daan para lang mawala 'yong gutom namin pero pinigilan ko siya dahil mahirap maghanap ng pera tapos manghihingi lamang kami sa ibang tao?" So, she had a twin, huh?

"Kaya pumunta si mama kasama 'yong kapatid ko na babae sa trinatabahoan niya para kunin ang kaniyang sweldo, so that we can eat at that day." Naramdaman kong natigilan siya at saktong nahulog ko ang isang folder. Napakunot ang noo ko dahil may letrato doon. Yumuko ako at kinuha iyon, bahagya pa akong bumuba sa upuan.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon