Chapter 30

40 7 4
                                    

KAYEZHIA YESHA CABAÑEZ

"THANK you." Bumaling ako kay Tiyang at yumuko siya sa akin. "Walang ano man, po." Ngumiti ako noong umalis na siya. Dahan dahang nawala ang ngiti ko at humarap sa aking bahay na ngayon ay ilang taon ng hindi nabibisita.

Pasimple akong tumingin sa bahay ni Eros na minsan din ay naging bahay ko na rin. Naging bahay na namin. Napayuko ako. Wala na siya sa bansa at mag tatlong buwan na.

Halos ayaw ko nga siyang payagan pero wala akong magagawa. Hindi ko naman siya under at hindi ko siya kontrolado. Sino ba naman ako?

Hinila ko ang maleta bago pumasok. Dumiretso ako sa kwarto at doon inilagay ang ilang gamit. Total wala naman si Eros sa lugar kaya medyo makakaginhawa din ako dito. Napatingin ako sa aking daliri kung saan nakalagay ang wedding ring namin ni Khaby.

Ilang linggo na lang ay ikakasal na kami kaya medyo lumayo layo muna ako. Siguro nga kailangan ko ng tanggapin na hindi talaga ako mapupunta sa taong nais ko habang buhay.

Lahat ng masasayang araw na kasama siya ay hanggang ala ala na lang talaga.

Napatingin ako sa ceiling at kumurap nang maramdamang may tumulo na luha. Bumuntong hininga na lamang ako at sinimulang linisin ang bahay. Naabutan ako ng gabi kaya tumawag ako at umorder ng pagkain. Hindi naman ako gutom pero kailangan kong kumain.

Naligo ako at nagbihis sakto ding may nag text at sinabing nandito na daw ang in-order ko. Napailing na lamang ako. Ito lang ata ang text na nireplayan ko ngayong buwan. Si Eros kinumusta ko hindi man lang nag reply kaya huminto na lang ako at nag focus para sa pararating na kasal.

"Thanks." Ngumiti ako sa rider bago isinara ang pinto, hawak hawak ko na ang pagkain noong paakyat ako sa isang silid na ginawa kong opisina ko. Napakunot ako ng noo noong makarinig ako na parang may kaunting ingay doon.

Pagbukas ko ng pinto wala namang tao kaya umupo ako at  inilagay na ang pagkain nang nay tumawag. Napatutok muna ako nang ilang sandali bago sinagot si Khaby.

"Hello?" Pinilit kong ngumiti at pumunta sa bintana. "How are you?" He said in a baritone yet tired voice. "Im fine." Napakahawak ako sa salamin. "Likewise." Narinig kong tumawa ito. Nag-kwentuhan kami ng ilang minuto bago ko iyon binaba.



"Kayezhia Yesha Cabañez Montilla"



Bigla akong napasigaw habang napatalon sa gulat at halos muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang makarinig ako ng boses sa aking likuran.

Dali dali akong humarap at doon ko nakita si Eros habang hawak hawak ang aking kutsara. Nakatitig siya sa isang diaryo kung saan may nakasulat na balita na ikakasal na ako at tungkol sa kasal namin ni Khaby.

"W-what are you doing here?!" Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw. Akala ko ba wala siya sa Pilipinas? Pero bakit siya nandito?! I'm sure, I'm not dreaming! Prente pa siyang naka-upo sa swivel chair ko! Pinag-cross niya ang braso pagkatapos ay tumingin sa akin ng matalim.



"Kayezhia Yesha Cabañez Montilla"



Inulit pa niya ang sinabi niya at tumawa ng nakakairita.



"Hindi bagay."



Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "H-huh?" Bigla siyang tumawa at dinilaan ang kutsara bago iyon binaba pagkatapos ay lumapit sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa kaniyang likod.

"W-what are you doing?" Tanong ko habang nakatitig sa kaniya na hinablot ang diaryo at walang pasabing pinunit iyon. "Eros!" Sumigaw ako habang nanlaki ang mata.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon