Chapter 19

34 8 1
                                    

KAYE

I TOLD myself that I'm not marupok. So, I did not accept his offer to be his girlfriend again, bakit ko naman siya tanggapin 'di ba? I mean, nakipag-break siya sa'kin, siya 'yong unang humiwalay, tapos ngayon gusto niyang makipag-balikan?


Well of course! Why not 'di ba? Syempre tinanggap ko, I've waited for this and dumating na nga ang araw na iyon. Nakangiti akong nakatingin sa magkahawak naming kamay habang nagmamaneho siya papahatid sa school namin. Napakadali ng panahon dahil we're one month as a couple.


"Ingat," Hinalikan niya ako sa labi noong nakalabas na ako sa kotse, isinara niya ang pinto at kumaway pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis. Tinignan ko ang daan niyang inalisan at lihim na napangiti habang hawak hawak ang labi. Ang lambot ng labi niya tapos ang tamis, parang nahiya 'yung labi ko. Bumuntong hininga ako habang papasok sa gate. "Hi nay, good morning!" Humagikgik ako na ikinataka niya.


"Ang landi naman talaga."


Napahinto ako dahil sa narinig ko. Bumaling ako sa dalawang babaeng kaparehas ko lamang ng grade pero hindi ko siya classmate. Nagbubulongan silang dalawa, kumunot ang aking noo dahil sa kanilang pinagsasalita. "Kaya siguro maging malandi din siya dahil malandi mama niya, eh"



"Tss, oo nga, may pa tomboy tomboy pa siyang nalalaman e halatang makati din naman." Mas lalong kumunot ang aking noo at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. May idea na ako kung sino ang sinasabi niya subalit napaka-impossible niyon. When they said the word 'tomboy' parang nahulaan ko na kung sino ang kanilang paksa pero nagdadalawang isip ako dahil hindi siya... She's not like that.


At tanging siya lamang ang binansagang 'tomboy' sa school. What are they even saying. Nabaling sa akin ang kanilang paningin kaya ngumiti sila sa akin pero hindi ko sila nginitian pabalik, instead tinaasan ko sila ng kilay at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.


Nakita ko ang hiya sa kanilang mukha dahil sa aking ginawa at pagtataka kaya tinalikuran ko ito. Nagmamadali akong pumunta sa building namin, I need to see her. Hindi ko alam pero naiirita ako dahil sa bawat sulok na madadaanan ko ay nakakrinig ako ng bulungan at napakarindi iyon sa tenga ko.



"Nakakadiri ka, angkan ng malandi!"



Atomatiko akong napahinto nang pag-apak ko na sa floor ng building namin, nakita ko si Tonia habang nakayuko at kuyom ang mga kamao. Sabi na nga! Nabuhay ang galit sa katawan ko nang makita kong hinila ang kaniyang buhok nang hindi man lang lumalaban. Narinig kong tumawa ang mga nandoon kaya napakuyom ako ng kamao.


"Pa tomboy tomboy ka pa e, gusto mo din naman pala lalake, tss. No wonder kaya pala nabuntis ng ibang lalaki ang mama mo!" Halatang nagulat si Tonia pero binuhusan siya ng tubig! Subalit hindi siya lumaban! What the... Tonia, lumaban ka naman! Nanatili siyang nakatayo doon habang pinagtatawanan.



That's it.



"Ano?! Pati nga 'yong kapatid mo e, siguro buntis din 'yon-" Biglang lumagutok ang palad ko sa kaniyang pisngi kaya malakas siyang napaatras. Hindi pa siya nakapagsalita nang sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi. Hinihingal ako habang hinaharangan si Tonia. Rinig na rinig ko ang mga singhapan at tilian.



"Who the fuck are you- ah!"


Hinila ko ang kaniyang buhok hanggang sa makaupo na siya sa sahig, walang makakatulong sa kaniya dahil pati sila ay takot. "K-kaye!" Narinig kong tinawag ako ni Tonia pero hindi ko siya pinansin at kinaladkad si Trisha habang hila hila ang buhok.


Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon