KAYE
"KAYEZHIA, gusto pa kita kaya please bumalik ka na.." Sandali niyang pinutol ang sinabi niya at hinawakan ang aking kamay pagkatapos ay pinagsiklop niya iyon sa kaniya, muli ko ulit naramdaman ang kaniyang mainit na palad. "Bumalik ka na sa'kin." Biglang nanginig ang tuhod ko at pakiramdam ko nakalimutan ko kung paano nga ba magsalita.
Sa mga oras na iyon, nakatitig lamang kami sa mata nang isa't isa habang ako ay nalilito, nag-iisip kung paniniwalaan ko ba siya o patawarin na lamang.
Siya ang unang umiwas nang tingin na parang natauhan at tumikhim pagkatapos ay lumayo. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako, ni hindi ko man napagtanto na nakarating na pala kami. "Lumabas ka na diyan." Saad niya na parang wala siyang sinabi na ikinahinto ng mundo ko!
Lumabas ako at napakagat nang labi noong kinuha niya ang palad ko at pinagsiklop ang kamay namin. "W-why are you--" Pinutol niya ang sinabi ko sa pamamagitan nang paghalik niya sa likod ng aking palad. Ngumiti siya sa akin at sabay na kaming pumasok sa loob.
Pinagtitinginan kami ng mga tao at gumuhit ang paghanga nila noong nakita nila ako. Hindi sa pagmamayabang pero ganito talaga ang eksena kapag pupunta ako sa ibang lugar. Pero wala doon ang atensyon ko, sapagkat nakatuon lamang iyon sa lalaking may hawak nang kamay ko. Hindi ko man lang magawang ialis iyon dahil inaamin kong gusto ko din.
Doon lamang kami bumitaw sa isa't isa nang makapasok na kami sa office at inilapag niya ang bag ko sa upuan. Tanging si Era lamang ang nakita kong nakaupo doon habang nakatingin sa cellphone niya. Bumaling ang nakababatang kapatid ni Eros sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Nasaan sila?" Tanong ng kaniyang kuya habang ako naman ay umupo sa sofa. "May klase pa si ate Aria si tita naman hindi ko alam." Tipid niyang sabi at ibinalik ang mata sa cellphone. "Labas muna ako." Paalam ni Eros at pumunta sa pintuan. Tumayo ako at lumipat nang upuan papatabi kay Era. "Hey," Bati ko at ngumiti. Sandali niya akong tinignan at hindi na agad pinansin.
Natawa ako nang mahina at pinisil pisil ang kaniyang bewang. "A-ano ba!" Umilag siya na ikinatawa ko. "Hindi ka na namamansin, ah." Saad ko habang nakangisi. "Siguro boyfriend mo 'yang ka chat mo." Bumungisngis ako subalit napatigil nang mapansin ko ang kaniyang ekspresyon. Alam kong gusto niya akong irapan subalit hindi niya iyon kayang gawin sa'kin.
"Tss, ang swerte naman ng lalaking 'yan kapag magiging girlfriend niya ako." Dahil sa sinabi niya malakas akong tumawa at tinakpan ang bibig habang sinampal sampal ang kaniyang balikat. "Bakit? Totoo naman." Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay pinigilang ngumiti. "Pero may nagustuhan ka?" Ang maldita niyang mukha ay napalitan nang nahihiyang ekspresyon, bahagya pang pumula ang kaniyang pisngi.
Ang cute lang ni Era dahil hindi naman siya ganiyang babae, madalas suplada siya at maraming inaaway o kaaway. Maldita at bilang lamang ang kaibigan. "Hoy." Pinindot ko ng ilang beses ang kaniyang pisngi. "Wala." Iniwas niya ang tingin at lumipat ng upo. "Bakit diyan ka umupo?" Nagtatakang tanong ko noong umupo siya sa swivel chair ni tita at doon nag cellphone.
Napahinto lamang ako nang may kumatok sa pintuan. Narinig ko ang mahihina nilang boses na parang nagtatalo at nagtutulakan pa. "I-ikaw na lang kasi, nakakahiya!" Saad ng pamilyar na boses. Kumunot ang noo ko. "Kumatok na ako kaya ikaw na lang!" Dagdag pa ng isang binatilyo na boses. "Oh, sige sabay na lang tayong pumasok--"
Sabay silang napahinto nang bigla kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang babae at lalaki. Napakurap ako nang makita ko si Kianna kasama ang isang binatilyo, siguro ay classmate niya dahil parehas sila nang kulay ng uniform.
"U-uy, ate!" Tumawa siya ng mahina. "Hi, pasok! Anong sadya niyo? Si Mrs. Cordeza pa ang hinanap niyo? Wala siya dito, e' pasok na lang." Nagkatinginan silang dalawa at dahan dahang tumango. Nakayuko silang dalawa at umupo sa sofa na inupuan ko kanina. Bumaling naman ako kay Era subalit bigla akong nagtaka dahil basta na lamang siyang naglakad at pumasok sa kwarto sa office.
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomanceKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...