Chapter 7

25 10 0
                                    

KAYE

I TEXTED tita, I'm going home so that she won't flood me any messages. Ilang beses kong pinindot ang button sa elevator makababa lang ako. Naramdaman kong tinignan ako ng babae sa gilid ko. Nakataas ang kaniyang kilay na parang sinasabing bawal ako sa lugar na ito dahil hindi naman ako taga rito.

Dahil sa irita, Inirapan ko siya at lumabas nang bumukas ang elevator. Taas noong naglakad ako na para bang reyna habang nagdadaliang gumigilid ang mga estudyante, makadaan lang ako.

Paglabas ko, nakita ko silang dalawa na may pinag-uusapan, lumaki ang galit ko nang patawa tawa lamang siya na para bang hindi siya natakot noong pinagalitan ko siya.

Dumiretso ako sa paglakad at isinigaw ang pangalan niya. "Eros!" Dinuro ko siya na agad niyang ikinatingin sa akin pagkatapos ay lumaki ang mata. Lumapit ako at walang pasabing sinampal siya, napasinghap ang nandoon pero wala na akong pakialam. Binalingan ko ang babae na ngayon ay kumurap lamang.

Pasiring kong inalis ang aking paningin at lumabas sa school gate. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero sumenyas ako huwag niya akong sundan. Baka makatikim siya ng sarap galing langit.

Pagkauwi ko, kinuha ko ang mga damit ko sa kaniyang bahay. Inilagay ko iyon sa traveling bag at ni isa ay wala akong tinirang damit ko. I thought he was gay! Tapos ngayon...? Ugh! Ano ba talagang gusto ng lalaking iyon? Emosyonal kong hinawi ang aking nananakit na dibdib at tumingin sa kama.

Baka sa kama nila iyon ginawa? Mga taksil! Hinawi ko ang aking luha at lumabas dala dala ang traveling bag. Lumagpas ako sa tatlong modernong malalaking bahay bago narating ang sariling bahay.

Agad ako naligo habang tulala. Ayaw ko na talaga sa kaniya. Ayaw ko. Basta, ayoko. Magkakamatayan man tayo pero ayoko.

Doon ako hanggang sumapit ang gabi, wala namang kaming klase kaya nakatambay ako sa sala habang nanunuod ng Dora The Explorer.

"Can you fine the tree? I can't find it!"

Dinuro ko ang tv. "It's behind you, Dora." I said in a serious tone. Pero tumunganga lamang siya doon at naghihintay. "Where? Can you tell me? Where is the tree? Help me find the tree!" Umiling ako at muling dinuro ito. "Sa likod mo." Pero agad niyang sinabi na hindi niya parin nahanap kaya agad kong inilipat ang channel at nanuod ng Teen Titans Go.

"Dora, bobo."

Mahina kong bulong habang tinitignan si Star Fire na naging berde ang mata at galit na galit.

Pinatay ko iyon nang oras na para maghapunan, pumunta ako sa kusina upang magluto. Wala akong ganang kumain pero kailangan. Sa kalagitnaan ng pagluluto ko biglang bumukas ang pinto at agad kong naamoy ang kaniyang bango na ikina-irita ko.

"Good evening, K-Kaye."

Naramdaman kong dahan dahan siyang lumapit. "Galit ka ba?" Inilagay ko ang luwag sa gilid ng gasol at kumuha ng magic sarap. "Anong kailangan mo?" Bumaling ako at sandaling napatigil dahil ang kaniyang kanang pisngi ay may bondage habang namumula mula pa.

"O-oh.."

Ang kamay niya na kanina ay nakapwesto sa kaniyang likod, dahan dahan niya itong pinaharap sa akin na ikinataas ng kilay ko. May dala siyang isang pirasong rosas. "What am I supposed to do with that?" I said, kahit na gusto ko iyong kunin.

"Ano... sorry ko." Tinanguhan ko lamang siya at dinuro ang mesa. "Lagay mo d'yan." Tumalikod ako at bumalik sa pagluluto. Hindi siya kumibo ng ilang segundo at muntik na akong mapaiktad dahil basta na lamang siyang yumakap sa likod ko at tinanday ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon