Chapter 13

26 9 2
                                    

KAYE

I AM holding a cup of coffee while looking at my husband watered my flowers. Napailing ako, halata sa kaniyang katawan at kilos na ayaw niyang gumawa pero wala naman siyang magagawa.

Hawak hawak niya ang violet na sprinkler habang nagdidilig at bigla na lamang tumaas ang aking kilay dahil dahan dahan niya iyong ibinaba sa lupa at tumingin sa paligid na parang may balak tumakas.

"Wala kang takas sa pamamahay ko, Eros." Sabi ko sa seryosong tono at ibinaba ang tasa ng kape. Alam kong naririnig niya ako dahil kami lamang dalawa ang nasa sa garden. "K-Kaye! Nandiyan ka pala." Ngumiti siya ng nakakaba. Nasa kalayuan ko siya pero rinig na rinig ko ang boses niya, kahit nga hininga umabot sa tenga ko.

"A-ako tatakas? Saan? May daan pala? Hindi 'no, ibinaba ko lang kasi nakakapagod," Kinuha niya ang sprinkler at nagpatuloy. "Gusto mo akong umuwi 'diba?" Taas noong kong tanong. Huminto muna siya sandali at dahan dahang tumango. "Then do what ever I said." Iniwais ko ang kamay ko na parang senyas magpatuloy na siya sa kaniyang trabaho.

"Promise mo, uuwi ka kapag susundin ko mga utos mo?" Parang bata niyang sabi. Naninigurado. "Just move and do your job." Hindi ko na siya pinansin matapos kong sabihin iyon, nakita kong bumuntong hininga siya. Nanatili akong nandoon sa kaniyang likod habang nakaupong tinignan siyang gumawagawa ng trabaho.

Pansin kong para siyang galit sa mga bulaklak ko dahil para niyang nilulumos ng tubig ang sunflower. "Hey!" Tumayo ako at lumapit doon. "May galit ka ba sa mga bulaklak ko, huh? Parang balak mo silang ilunod, eh." Umirap ako at hinawakan ang kaniyang dahon.

"Bulaklak lang naman 'yan," Bulong niya na ikinainis ko. "Ano naman? Alam mo bang may buhay din 'to?" Lihim siyang umirap kaya tumaas ang dalawa kong kilay at nakapameywang na tumingin kay Eros. "Nakita ko 'yon? Ano bang problema mo, huh?"

"Iyan!" Dinuro niya ang sunflower at sinunod ang iba't ibang bulaklak na nandoon sa hardin. "Mahal na mahal mo talaga 'yang mga bulaklak mo 'no?" Kita sa kaniyang mukha na naiirita siya. "Of course!" Hindi makapaniwalang kong sabi at idinipa ang dalawang kamay. "Mawala lang lahat sa akin huwag lamang ang flowers ko!"

I said then turned my back on him subalit atomatiko akong huminto nang marinig kong bigla siyang tumawa. "Bakit?" Agad kong sabi at hinarap siya. "Oo nga naman." Rinig kong bulong niya na parang may kakaibang naisip. "Bakit nga?" Tumingin siya sa akin habang nakangisi kaya naman bigla akong kinabahan at umatras.

Pasimple kong hinawakan ang aking mukha at katawan kong may dumi ba ako pero malinis naman akong lumabas ng bahay kanina. "Ano bang nasa isip m-mo?" Lumunok ako habang umaatras kaya kumunot ang noo niya at biglang nagtaka. "Bakit ka umaatras?" Lumapit siya sa akin kaya bigla akong humiyaw at pinulot ang hose.

"Sige subukan mo akong lapitan!" Itinapat ko sa kaniyang mukha ang hose at handa na iyong paagasin ng malakas kung sakaling may gagawin man siyang masama sa akin. Ang akala ko ay titigil na siya subalit napasigaw ako ng malakas nang bigla niya akong hatakin. "You pervert!"

Wala sa sariling naibuga sa kaniya ang tunig sa hose at itinapat iyon sa kaniyang dibdib. "Shit, Kaye!" Iniharang niya ang kamay niya sa kaniyang sarili at pumikit pagkatapos ay umatras. "Ihinto mo 'yan! Shit, stop!" Bigla akong natauhan nang marinig ko ang kaniyang sigaw na may bahid na irita.

Napakurap ako at agad huminto pagkatapos ay parang natauhan. I am trying to reach him but I'm scared. "Oh, my God are you okay?" Basang basa na siya ngayon kaya bigla akong kinabahan. "Ikaw kasi ginulat mo ako-ay!" Bigla siyang humalakhak at madaling kinuha sa aking kamay ang hose at isang malamig na tubig ang tumama sa katawan ko.

Hindi ako makahinga nang sinirit niya iyon sa aking mukha kaya panay ang ilag ko. "Eros-!" Putol putol ang pagkasabi ko ng pangalan niya dahil sa tubig! Tumatawa tawa siyang tumigil at nakangising bumaling sa akin habang hinihilamos ang palad sa mukha. "Edi quits na tayo." Binitawan niya ang hose at tumalikod.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon