Chapter 28

33 8 3
                                    

EROS

NAGMULAT ako nang mata noong may kumatok sa kwarto ko. Tinakpan ko ang aking mukha nang unan upang maiwasan ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Hoy! Bumaba ka na ngayon na!"

Atomatikong bumukas ang pagkairita ko noong narinig ko ang boses ng kuya ko sa maganda kong umaga. Nagtaklob ako ng kumot at pilit siyang binabaliwala. "Sabing gising, eh!" Kinalampag na niya ang pinto kaya napabangon ako at binato ng kung ano ang pintuan.

"Gag--, ano ba 'yon?!" Sumigaw si Eron. "Tanga, may lakad daw gumising ka na d'yan!" Napahilamos na lang ako at kasunod non ay ang pag rinig ko ng yapag papaalis. Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos ay bumaba sa kusina.

Pagbaba ko agad kong narinig ang boses ng mga magulang ko na nag-uusap. "She's pretty, right? Siya ang nag-iisang anak ng mga Cabañez, Kayezhia Yesha Cabañez. Tanggapin ba natin ang offer ng daddy niya?" Atomatiko akong napahinto dahil sa gulat at pagtataka.

Kayezhia? Ex ko? Tangina, bakit narinig ko agad ang pangalan niya, kaka-break lang namin! Lumapit ako ng dahan dahan sa dining room para mas marinig ko ang pinag-uusapan nila. Offer? May in-offer ang ama niya? Napaangat ang aking kilay noong tumango si daddy.

"But, pag-isipan muna natin 'to ng mabuti, this is not easy at hindi basta basta." Wika nito. "For me, si Eron ang ipagkakasundo natin dahil mas mature siya kay Eros at mas matanda siya." Doon na dahan dahang kumunot ang noo ko. Ipagkasundo? Napaatras ako at galit na pinag-cross ang braso.

Sandali, ang ibig bang sabihin ikakasal si Kaye? Napahawak ako sa noo at bewang ko. Si Eron, mature? Parang gusto kong tumawa dahil sa pinagsasabi nila. Bakit hindi nila ako piliin? Puwede naman ako, ah.

"Sure? Agree din ako, let's just inform him mamaya, nasa tamang edad naman si Eron kesa kay Eros na nag-aaral pa lang. Pupunta na tayo mamaya sa mansion ng mga Cabañez upang sabihin na--"

Malakas kong binuksan ang pintuan kaya agad silang napahinto't tumingin sa akin. "Anong pinag-uusapan niyo?" Seryoso kong tanong. Hindi ako papayag na isang dugyot at panget ang ipagpapalit sa'kin ni Kayezhia. I mean hindi naman ako nag seselos, 'no. Bakit naman ako mag seselos? Sa gwapong ko 'to mag seselos ako?

Suntukan pa kami ni Eron, e' tapos kung sino manalo siya ipapakasal kay Kayezhia.

"Oh, we were just talking about your brothers proposal." Nakangiting sabi ni mommy at pinaupo ako. Bumuntong hininga ako. "Ipapakilala namin ang kuya mo sa kaniya at tatanggapin ang offer." Biglang tumaas ang presyo ng dugo ko.

Pilit kong kinalma ang aking sarili sa pamamagitan nang pag-hugot ng malalim na hininga at dahan dahan silang nilapitan. Kumunot ang kanila noo, halatang nagtataka. "Mom, dad. Sigurado ba kayo na si kuya ang ipakakasal niyo sa babaeng 'yon?" Tumango sila na halos ika-irap ko.

"Pinagsasabihan ko na po kayo, huwag po siya, e hindi nga 'yon marunong mag..." Huminto ako at napatingin sa ibabaw pagkatapos ay napaisip. Ano nga ba ang mga gawain na hindi siya marunong? Marunong siya mag luto, makipag-kapwa tao, mag linis. Konti lang. Tangina, basta.

"Hindi nga 'yon marunong mag-alaga ng babae, eh! B-baka lang naman.." Basta, ayaw kong mapunta siya sa lalaking 'yon. Hindi ko matatanggap 'yon. Tumaas ang kilay ni daddy na napabalik sa akin sa kasalukuyan. "So, anong gusto mong iparating Eros Drake?" Desperado kong dinuro ang sarili.

"Ako! Nandito naman ako," Paulit ulit kong sabi. Napangiwi sila. "No, you're too young." Kinuyom ko ang kamao. "Eh, halos magka-sing edad lang naman kami ni Kaye, ah!" Sigaw ko. Biglang tumahimik ang paligid. "Wait, paano mo nalaman? Magkakilala kayo?" Nagkatinginan silang dalawa kaya agad akong natigilan.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon