KAYE
"KAYEZHIA!" Napamulat ako nang mata at agad napaupo pagkatapos ag dali daling hinawakan ang aking leeg. "Ayos ka lang? Sumisigaw ka." Nag aalalang sabi ni Eros, nanginginig ko siyang tinignan at parang nakalimutan ko kung paano magsalita. It... It was just a dream.
"E-Eros si--"
Biglang bumukas ang pintuan at inilabas doon si Aria. Agad akong napalapit sa sandalan nang sofa noong nakita ko siya. "A-Aria, huwag!" Biglang bumabasa ang aking mata at tumingin sa kamay niya. May dala dala siyang bag at biglang napalitan ng paningin ko iyon ng kutsilyo.
"Huh? Ano namang gagawin ko?" Kumunot ang noo niya at bigla na lamang dumampi ang palad ni Eros sa aking kamay. "Nanaginip ka ba?" Mahinahon niyang tanong na agad kong ikinatango. Bumuntong hininga siya at ngumiti. "It was just a dream. Let's go, hindi iyan totoo." Hawak ko padin ang leeg ma bumaling kay Aria na ngayon ay umiiling na.
Maybe Eros is right, it was just a dream. Hindi naman ganon si Aria sa personal. She's kind... Yeah.. Nagpaalam si Eros at hinila na niya ako papalabas. Hinawakan ko ang ulo at lihim na pumikit. I should forget about it.
Bumuntong hininga ako at pilit iyong iniwaksi sa aking isip at hinablot ang cellphone. Uuwi na pala ako kaya sabihan ko lamang si mama. Itinapat ko 'yon sa aking tenga at nakatatlomg ring bago niya sinagot iyon. "Yes, hello? What is it?" Bungad niya sa kabilang linya. "Ma--"
Naputol ang sinabi ko nang tumama ang paningin ko kay Eros. Sumensyas siya na ibigay ko sa kaniya ang phone kaya inilahad ko iyon sa kaniya.
"Hi, ma!"
Napangiwi ako nang malakas at masaya niya iyong sinabi habang nakangiti. "Uuwi na daw si Kayezhia, ma." Tumawa siya nang mahina. "Oo, ma. Sige po... Opo, salamat, po kayo din po, ma. Pakisabi na din po kay daddy na na sa'kin ang maganda niyang anak." Umangat ang kilay ko at pinigilan tumawa. Pinatay na niya ang tawag at ngiting ngiti na tumingin sa akin pagkatapos ay inilahad ang phone ko.
"Mama mo mukha mo."
Binawi ko ang cellphone ko't umirap na ikinatawa niya. "Bakit? Totoo naman, ah." Saad niya at idineretso na ang paningin sa daan. Hindi ako kumibo nang ilang minuto at nagawi lamang nang aking atensyon ang kaniyang isang palad na lumapit sa aking palad at unti unti iyong hinatak. Kunot noo ko siyang tinignan na ngayon ay kinagat ang labi upang pigilang ngumiti.
Ang halata niya namang magtago nang nararamdaman, samantalang ako nagmumukha paring seryoso kahit gusto nang dumagundong dahil sa kilig.
Hinayaan ko lamang siyang pagsiklupin ang aming mga kamay habang ang kaniyang isang palad ay nasa manobela. "Bakit ka naman ngumingiti?" Tanong ko, kunwari ay seryoso. Mas lalong lumapad ang ngiti niya at hinalikan ang likod nang palad ko pagkatapos ay nagsalita habang nakatingin sa akin.
"Syempre, ang ganda mo, e'"
Sandali ko siyang tinignan at pakiramdam ko nawalan ako nang salita. I know it's just a words but it still hits different if taong mahal mo talaga ang magsabi niyan sa 'yo. "Kinikilig ka na naman. Ihinto mo 'yan baka kasi madisgrasya tayo kapag 'di ko mapigilang halikan ka." Kinagat ko ang labi at umirap. Lumayo ako. Ang yabang.
"Gwapo ko 'no?" Napangiwi ako dahil sa kaniyang kahanginan. "You're so mahangin naman," Taas kilay kong saad. "Anong mahangin? Totoo naman, ah. Sa dinami daming lalaking nag-aagaw sa 'yo, tanging ako lamang ang nakakuha sa 'yo, tapos asawa pa kita, hehe." Umiling siya at mas lalong humigpit ang kaniyang hawak sa akin. "Tsk, tsk, tsk, mga mahihinang nilalang."
Bigla akong natawa at tinakpan ang aking bibig. "Bakit?" Natawa din siya habang nagmamaneho at tumingin sa akin. "Sira ka talaga." Umiling ako at iniangat ang kamay naming dalawa na magkahawak. "Sa dinami dami din namang mga babaeng naghahabol sa 'yo sa'kin ka din naman bumagsak."
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomanceKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...