EPILOGUE

67 8 4
                                    

AEROS DRAKE SALVA


"AND that's how I got your mother back." Ngumiti ako sa kaniya lalo na noong nakita kong umawang ang labi ng anak ko matapos ko sabihin ang kwento namin ng ina niya.

Kumurap siya ng mata at kumamot ng buhok. "W-woah, your love story with mom was..." Napahangad siya sa ceiling at nag-isip. Ngumunguso siyang bumaling sa akin at sumandal sa mesa. "Nakakagulo!" Bumulalas ako ng tawa.

"Palagi kayong nag-aaway tapos magka-balikan tapos mag-aaway ulit pero magka-balikan na naman. It's so nakakagulo, daddy." Tumingin ang mata niya sa akin na may mahahabang pilik mata.

"But it's cool though." Tumango ako noong tumango din siya. "Apir tayo d'yan." Dumukwang siya sa at nakipa-apir sa'kin. Napakunot ako ng noo dahil bigla na lamang siyang ngumiti.

"Kahit na maraming nangyari hindi mo pa rin iniwan si mommy. Ganiyan mo ba siya ka mahal?" Bahagyang tumagilid ang kaniyang ulo habang tinatanong iyon. Bumaling ako kay Kayezhia na ngayon ay nakahiga na din habang nakikinig lamang sa aming dalawa.

"Oo naman." Ngumiti ako at kinuha ang kamay ng asawa ko pagkatapos ay pinagsiklop ang mga iyon. "I promise when I grow up, I won't leave my girl behind. I want to be you, daddy because you didn't let mom leave you, you even chase her." Bigla siyang humagikgik at mas niyakap ang hawak hawak na teddy bear.

"Marami palang nagkakagusto kay mommy? Pag-laki ko, marami din kayang magkaka-gusto sa akin?" Inosente niyang tanong. "Oo, mana ka sa'kin, eh." Tumaas baba ang dalawa kong kilay. "Hangin." Saad ni Kaye sa gilid. "Totoo naman." Balik ko.

"Eh, kung hindi mo po kinuha si mommy sa monster na 'yon at maipakasal silang dalawa... Hindi po ako mabubuhay?" Bigla akong tumawa noong masama akong binalingan ng asawa ko. Sa storya kasi ginawa kong halimaw si Khaby.

"Syempre mabubuo, matagal ka na naming ginawa bago ang magaganap na kasal, e' pero kahit na ganon, kailangan pa rin kitang ilayo sa kaniya dahil monster siya at baka kainin ka niya." Ngumisi ako sa bata na walang ka-alam alam sa sinabi ko.

"Phew! Mabuti na lang po talaga, kinuha mo si mommy sa monster! Kung hindi baka nasa tummy na po niya ako ngayon! I want to be you po, dad kasi superhero ka!"

"Nah, Aero huwag lahat gayahin mo sa tatay mo. Babaero 'yan." Kumunot ang noo ko at napabangon dahil sa binulong nitong salita sa huli. "Ang sama mo, hindi naman, ah." Ngumuso ako sa kaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Anong hindi? Totoo kaya." Inirapan niya ako at bumangon na din.

"Story time is over, good night, Aero."

Hinalikan niya ito sa pisngi at bumaba na sa kama, pagkatapos ay isinara ang libro na siyang sana ang i-ku-kwento ko pero nauwi sa love story namin ni Kaye ang kinuwento ko. Pero habang sinasabi ko iyon, namimiss ko tuloy ang kabataan namin. Kumusta na kaya iyong mga kaibigan ko? Tsk.

Natawa ako ng mahina at kiniliti ang anak ko. "Goodnight, anak. May gagawin pa kami ng mommy mo," Tumayo na din ako at bumaba ng kama habang si Kayezhia ay inayos ang kaniyang kumot. "Po? Ano po ang gagawin niyo?"

"Ano? Mag mamanyak ka na naman?" Galit na bulong ni Kayezhia habang nakapa-meywang. Kinindatan ko siya at bumaling sa anak ko. "Anong gusto mong kapatid? Babae o lalaki?" Lumapit si Kaye sa akin at hinampas ako sa likod para hindi niya makita 'yon.

Agad lumiwanag ang kaniyang mukha at ngumiti. "Really? Gusto ko, girl na triplets!" Agad akong napangiwi at napakurap sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Kaye at yumuko ako sa kaniya para bumulong. "Kaya ba natin 'yan?" Umiling siya sa akin kaya inakbayan ko na lamang siya habang hinahaplos ang kaniyang abaga.

Mamaya ka sa'kin.

"Iyon lang? Basic. Mukhang kailangan ata mag pagod at mag pursigi si mommy ay daddy mo, ah." Pumalakpak siya at biglang gumaan ang aking loob noong nakita kong ngumiti ang anim na taong gulag kong anak na lalaki. "But it's okay if hindi po kayo makaka-make ng triplets, I'm okay with a baby sister." Umayos na siya ng higa.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon