Chapter 18

30 7 0
                                    

KAYE

NAKATINGIN ako sa payapang mukha ni Jin habang natutulog sa isang kama. It's been a month since she got an accident. Kahapon nagkita kami ni Kai at medyo malaki ang ipinagbago niya, nabawasan ng kaunti ang kaniyang pagkamadaldalin, inaamin ko mas gumwapo nga siya kesa sa huli naming kita. Wala sa sariling napangiti ako.

"Tsk."

Agad akong napatigil sa pinto dahil may pumasok doon, it was Eros. Agad akong tumayo. "H-hi, kanina ka pa diyan?" Hindi niya ako pinansin at dumiretso paupo sa aking harapan at tumingin kay Jin. Agad akong napaiwas ng tingin pagkatapos ay umupo pabalik. "Malapit na pala intrams ninyo." Saad ko, sandali niya akong tinignan ang tumango.

"Since wala naman kaming klase sa oras na 'yan, puwede ba kitang bisitahin dito?" Tumingin siya sa akin.

"No, you can stay home."

"O-oh, okay."

I bit my lower lip. "Bakit bawal akong-" Iritado niyang ginulo ang kaniyang buhok at tumayo pagkatapos ay galit akong tinignan. "Puwede ba? Tumahimik ka na lang!" Padabog siyang lumabas sa pintuan at malakas na isinara ang pinto. Napakurap ako ng mata dahil naramdaman kong may tumulo na luha doon. "B-but... But I was just asking.." I whispered.

Dali dali kong pinahiran ang aking mga luha nang bumukas ulit ang pinto at pumasok si Kia at Kai. Pilit akong ngumiti subalit napansin nilang dalawa iyon. May dala dalang prutas ang kapatid niyang babae kaya kinuha ko 'yon at inilagay sa mesa, naririnig ko ang mga bulungan nila dahil ang lapit ko lamang sa kanilang dalawa.

"Kaye"

Narinig kong tinawag ako ni Kaivin habang papalapit ako sa kaniya. "Hm?" Ina-ayos ko ang pagkain nang tuluyan na siyang nasa tabi ko. "May problema ba? Konektado ba 'to kay Eros? Nakita ko kasi siya kanina mukhang galit habang lumalabas, mukhang hindi niya kami napansin, e'"

"Oh, that?" Humarap ako sa kaniya at ngumiti. Mahina niyang pinunasan ang luha ko na ikina-ngiti ko. How sweet of him.

"Nagalit siya sa akin dahil bakit daw basta na lamang akong pumunta sa party nang hindi nagpapaalam sa kaniya, kasi kapag may mangyayaring masama sa akin, malalagot siya sa magulang niya,"

Yes, pumunta din kasi ako sa birthday ni Lisa, pero sandali lang naman 'yon. kumunot ang noo niya dahil hindi niya makuha ang sinabi ko.

"Huh? Bakit ka naman pinapagalitan non? Ano naman din ang kinalaman ng mga magulang niya? Hindi naman kayo ka ano ano, ah. Except sa mag ex" Humagikgik siya pero agad tumigil nang makita niya yumuko lamang ako habang nakatingin sa daliri ko at tumingin ulit sa kaniya.

Bumuntong hininga ako at biglang kinabahan habang nakatingala sa mga mata niya. Lumunok ako ng mariin at kinagat ang labi. I think I should tell him, wala naman sigurong mali right? Hindi naman ata magagalit si Eros. Inihanda ko ang aking sarili bago ibinuka ang bibig upang magsalita.

"Actually, w-we're married... Eros is my h-husband."

Nahihiya kong iniangat ang palad ko at bigla siyang napaatras pagkatapos ay nanlaki ang mga mata habang napakurap kurap nang makita niya ang wedding ring namin na nakalagay sa daliri ko. As expected. Tinuro niya ang daliri ko at hindi makapaniwalang tumingin sa akin na iniyuko ko lamang.

Ilang segundong katahimikan ang namutawi sa amin bago siya ang bumasag non. "Kailan pa?" Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakangiti na. "W-why are you even smiling?" Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Kailan mo naging asawa bestfriend ko?" Lumapit siya sa akin.

"M-matagal na- ano ba!" Tinulak ko siya dahil mukha siyang tanga na nakangiting aso na yumuko papantay sa mukha ko. "Sabi na, eh!" Hinatak niya ako at niyakap nang napakahigpit na halos mawalan na ako ng hininga, ramdam ko ang saya niya at buti na lamang tulog si Kianna.

Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon