Chapter 20

38 7 2
                                    

KAYE

"BLOOMING mo naman trops, 'no meron?" Siniko ako ni Tonia kaya agad akong napamulat sa realidad at napagtanto kong nakatayo na pala kami sa gate ng school. Sandali, bakit nga pala kami nakatayo dito? "H-huh? May sinabi ka ba?"


Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at umiling. "Panget mo ka bonding, hindi mo na 'ko pinapansin." Napatawa ako ng mahina. "Tss. Sabi ko ang blooming mo ata ngayon? Ah, palagi naman pero bakit parang level up ngayon, trops?" Kinagat ko ang aking labi nang may maalala ako.


Umiling na lamang siya muli nang makuha niyang hindi ko talaga siya masagot kaya ngumuso ako. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ikaw nga din e, tapos himala at nag tali ka ng buhok?" Tumaas ang kilay ko, agad naman niya iyong hinawi at maarte kunwari akong tinalikuran na ikinanguso ko. "Woah? Sino nagturo sa'yo ng ganiyan, trops?" Tanong ko.



"Wala basta, huwag na tayo mag chika." Hinawakan niya ako sa braso. "Tara kain, libre ko." Tumaas baba ang dalawa niyang kilay. Nagpadala ako sa kaniyang hila hanggang sa dinala niya ako sa boulevard. Maraming tao ang nandoon at nakikita ko ang mga street food na mas benta pa ata kesa sa pagkain ng school.

Lumapit kami sa isang stand ng may manong na parang may ginagawang sauce? "Hi manong, apat na kwek kwek, isaw, fishball at kikiam nga po, tas parehas ding dalawang palamig na buko flavor. 'Yung ten peso sana na palamig, po." Inilabas niya ang wallet at nagbayad. Agad tumango ang manong at ngumiti, tumingin ako kay Tonton at bumulong. "Kakain ba ako? Hindi ba masisira ang simkmura ko?"


Napangiwi ako lalong lalo na nung nakita ko ang bituka nang manok. Oh my God. "Sus, ano ka ba!" Tumawa siya at mahina akong siniko, noong nakuha na namin ang pagkain ay umupo kami sa isang bakanteng puwesto. Agad niyang binuksan ang mga weirdong pagkain at basta na lamang kinagat ang bituka.

Jusko.

"A-ah.." Napaawang ako at tumingin sa pagkain. "I think I'm not hungry-" Napahinto ako nang inabot niya sa akin ang kulay orange na bilog. "Fishball tawag d'yan, masarap 'yan subukan mo." Ngumiti siya habang bilog ang mga pisngi. Sandali akong tumigil at nakatingin lamang sa kaniya. "Sige na." Napabuntong hininga na lamang ako.


Bumuka ang bibig ko at kinain iyon, kumunot ang noo ko, bakit ang dry? Bigla siyang tumawa ng malakas, mabuti na lang 'di siya nabilaukan. "May sauce 'yan, tangek! Oh!" Sabay lahad sa akin ang isang pulang likido na nalalagay sa lalagyan. Umiling siya. "Ang hirap magkaroon ng mayaman na kaibigan, e"



Sinimangutan ko na lang siya at isinawsaw doon ang... Ano nga ba 'to?



"Fishball 'yan."



Ah, oo fishball. Parang nabasa niya ang nasa isip ko. Bumuka ang aking bibig at kinagat iyon, dahan dahang umangat ang dalawa kong kilay at napatingin sa lupa pagkatapos ay dahan dahang tumango.

"Ang sarap!" Dinilaan ko ang gilid ng aking labi habang tinatabunan ko ang aking bibig. "Sabi sa'yo 'di ba? Oh, eto pa." Kinain ko lahat ng binili niya at ininom ang tinatawag na palamig.

"Balik tayo ulit doon, ako naman mang libre." Sabi ko habang pinupunasan ang aking bibig ng tissue, papauwi na kami at nakaharap na sa hintuan ng bus. "Sige ba." Sabay kaming napatigil nang may kotseng huminto sa hindi kalayuan at bumaba ang isang lalaki doon upang papasukin ang isang babae pagkatapos ay sabay na silang umalis.



"Trops?"


Bumaling ako sa kaniya. "Hm?" Nagkatinginan kami bago siya muling tumingin sa umandar na kotse papalayo. "Bakit nga pala ayaw mong mag maneho ng kotse?" Napayuko ako at napakagat ng labi. Bumuntong hininga ako upang labanan ang kakaibang nararamdaman ko, I guess I'll speak this up. Even if it's traumatized me.




Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon