KAYE
"YOU'RE taking too long." Bungad sa akin ni Khaby habang binubuksan ako ng pinto. Umiling ako at pumasok, alam kong nagtataka siya sa kilos ko kaya pumasok parin siya at pinaharurot ang sasakyan.
Pilit kong iniiwas ang aking tingin sa building dahil ramdam ko ang kaniyang titig. Binuksan ko ang cellphone ko at napailing na lamang dahil nakita ko agad ang sarili ko sa social media habang yakap yakap si Kaivin.
Napakabilis nga naman ng chismis. Binasa ko ang mga comments at napangiwi. They're freaking shipping us? Is that even possible? Sino ba ang nag picture nito? Oh, I forgot. Paparazzi is everywhere.
Tumawa si Khaby at huli na noong naramdaman kong nakisilip na din siya sa phone ko. "What? You're supposed to be driving right now." Bumaling ako sa daan at muling tumingin sa kaniya na ngayon ay nakaangat na ang kanang kilay.
Traffic pala kaya napahinto ang asungot na 'to. "Whatever." Umayos na lamang ako ng upo at tinulak ang mukha niya.
Hindi na siya umimik hanggang sa makapunta kami sa nais naming lugar. Napahawak na lamang ako sa aking sentido dahil sumalubong sa amin ang mga tao.
"Smile now. They're gone." Pukaw sa akin ni Khab noong nakaupo kami sa isang tabing puwesto. Mabuti na lamang dahil private ang restaurant kaya hindi basta basta makakapasok ang mga tao.
Itinanggal ko ang mask na suot at inayos ang shades. "Just order me some food, I'm hungry." Umiling na lamang siya habang hinahawakan ang menu. "Sigurado akong kumakalat na naman sa social media kung sino ang kasama mo." Sabay tawa ng mahina. Mas lalo namang uminit ang aking ulo dahil sa sinabi nito.
Kumain kami doon na may halong sama ng loob dahil inaasar ako ni Khaby. Sa kalagitnaan ng pagkain namin bigla na lamang may nagkakagulo sa labas.
"Shit, nandito sila!"
Rinig kong tili ng isang babae. Hindi ko naman itinuon ang atensyon ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain kahit unti unting nabuo ang kaba sa aking dibdib at hindi ko alam kung bakit. "Kayezhia." Umangat ang paningin ko sa kaniya nang inilapit niya ang hintuturo sa gilid ng labi ko.
Ngumiti siya sa'kin. "Nagmanadali ka ba? Ang bilis mong kumain." Aniya. Hinuli ko ang kaniyang kamay at tinignan kung ano ang likidong hinawi niya. It's a gravy. Binitawan ko na iyon at nagulantang nang marinig ko ang isang boses na bigla na lamang tumawa.
Tumingin ako sa likod ni Khaby kung saan may dalawang lalaking bagong dating at napakurap nang mata nang makita ko si Kaivin na tumawa ng malakas at hinahampas ang likod ni Eros. Napalunok ako ng mariin. Nandito sila! Parang gustong lumaki ng mata ko noong nagtama ang paningin namin.
Itinuon ko na lamang aking paningin sa pagkain at ginugol ang oras doon kahit ramdam ko ang kaniyang titig. Kinausap ko din si Khaby paminsan minsan para naman hindi ako mailang, pero kahit ganon, hindi ko maiwasang hindi mag pasulyap sulyap na tignan sa direksyon niya.
"Oh." Binigyan niya ako ng tissue pagkatapos ay tumayo. Doon lamang ako natauhan. "S-saan ka?" Biglang pumiyok ang aking boses. Ramdam ko ang titig niya pero mas nakatuon ako sa kaharap ko. "D'yan ka lang, mag cr lang ako." Tumayo ako at agad hinuli ang kaniyang braso. Kumunot ang kaniyang noo.
"H-hoy, sama ako."
Napaangat siya ng kilay at ngumisi pagkatapos ay bumaling kina Eros. "Huwag ka ngang tumingin-- sabi huwag tumingin, eh!" Pasigaw kong bulong. Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "Tss, basta babalik ako." Binitawan ko na lamang siya at bumalik sa pagkaka-upo.
Lumipas ang isang minuto ay hindi parin siya nakabalik, kaya nagpatuloy ako sa pagkain nang may nag-salita na pamilyar na boses sa harapan ko.
"Hi Miss, Kayezhia."
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomanceKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...