KAYE
"TROPS, best friend ko!" Madramang sumigaw si Tonton habang malakas na binuksan ang pinto pagkatapos ay nilapitan ako't niyakap. "Ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo? Anak ng, bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin!" Tumalikod siya't pinunasan ang kaniyang luha. Nandoon din si Jace para kumustahin ako.
Balita ko, dalawang araw akong nakatulog at ngayon lamang ako nagising, sakto naman at bumisita si Tonia kaya ito ang kaniyang reaction. "I'm fine and I'm sorry." I faked a smile. Marami siyang sinasabi sa akin pero hindi ko man lang siya kayang sagutin dahil nakatitig ako sa pinto, nagbabakasakaling pumasok siya at dalawin ako.
Naalala ko ang huling oras bago ako nandito, nag-away kami at binatuhan niya ako ng masasakit na salita. Biglang pumasok si Khab kasabay niya si Lisa. "God, you're fine!" Ngumiti siya akin. Bumaling ang paningin ko sa kasama niyang si Khaby. Biglang pumatak ang luha ko dahil sa naalala ko.
Siya 'yung tumulong sa'kin noong gabing iyon na halos ikinamatay ko. Ni hindi man lang tinawag ni Eros ang pangalan ko o hawakan man lang ako. "K-Khab.." Nanginig ang aking labi habang lumuluhang tumingin sa kaniya. "Hey." Nagmamadali niyang ibinaba sa mesa ang dala dalang prutas at lumalapit sa akin. Umalis si Tonia sa harap ko upang pauupuin si Khaby doon.
"Stop crying." Bigla ko siyang niyakap na ikinahinto niya. Humagulhol ako sa kaniyang leeg. Kahit ganon man 'yon kaliit na tulong para sa kaniya, ganon din naman ang ikinalaki ng pagtanaw ko dito ng loob. Kung hindi siya dumating, ano na lang kayang nangyari sa'kin?
"T-thank you.."
Buong pagpapasalamat kong sabi. "Is this about that night?" Bumuntong hininga siya at hinagod ang aking likod. "I'm your friend, Kayezhia. It's my duty to save you." Mas lalong humigpit ang yakap ko. "And besides, walang iwanan 'di ba?" Humiwalay siya sa akin at ngumiti ng kaunti at pinunasan ang luha ko. "Hindi mo kami puwedeng iwan, get well soon."
Narinig ko ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko sa likod niya pero hindi ko sila pinansin.
Nakatitig kami sa mata nang isa't isa at bigla na lamang akong napangiti. "Of course I will!" Mahina kong sinampal ang braso niya. "Okay, now stop crying! Ang panget mo tuloy," Sumimangot siya at inayos ang aking buhok nang maramdaman kong bumukas ang pinto at atomatiko silang tumahimik. Nang mailagay ni Khab ang lahat ng buhok ko sa likod tumingin siya sa mata ko.
"Ayan, ang ganda mo na."
Akma akong magsasalita nang magulantang dahil bigla na lamang sumara ng malakas ang pintuan. Diretso kaming napatingin at nanlaki ang mata dahil pumasok si Eros kasama si Kaivin habang naka-mask at naka-suot ng cap. I am not dreaming! He's here!
Tulala parin ako noong lumapit si Kaivin sa akin at nagsalita. "Maraming mga camera sa labas, gagi. Ayos ka na ba?" Tumingin ako sa kaniya at tumango bilang sagot. So, what am I supposed to do now? Hindi ko alam kung paano siya papansinin o hindi na ba dahil sa nangyari kagabi. Tinignan ko si Khaby at umalis naman siya sa harap ko't lumabas muna.
"Sandali lang, ah." Tumayo si Tonia at hinila si Jace na kasama niya at si Lisa para lumabas din. Si Kaivin naman umupo sa isang sofa na medyo malayo sa akin at isinalampak sa tenga ang earphones at pumikit. Bumaling ako kay Eros na ngayon ay nakatitig na pala sa akin. Ang kaniyang mata ay may hindi maipaliwanag na emosyon, subalit napakadilim niyon.
"Y-you're here."
Tumikhim ako. Lumapit siya sa akin kaya napapitlag ako. "Ano'ng nangyari sa 'yo?" Seryoso niyang sabi at parang hindi siya concern. Lihim akong napangiti ng mapait. "Stress, I think?" Stress pero sumuka ng dugo. Meron kaya no'n? Nagbago ang kaniyang ekspresyon. "Kumain ka na ba?" Umupo siya sa harapan ko. "Tapos na."
BINABASA MO ANG
Loving Her Pure
RomanceKaye means pure and that's her name. She's pure and honest to everyone, but when it comes to him, she's a big lie and a liar. No one could see her pureness except him, and she doesn't know, he's silently Loving Her Pure. Wish Series #1 Started: June...