Chapter 22

27 8 2
                                    

KAYE




5 months later...

MARIIN akong napahawak sa armchair ng upuan ko at napapikit. Parang umiikot ang paningin ko at nahihirapan akong huminga. Bumalik na naman. Pilit kong binubuksan ang aking mata nang unti unti na itong nawawala at bumuntong hininga ng malalim.

"Hey, are you okay?"

Biglang sumingit si Lisa at nagtama ang paningin namin. We're classmate dahil parehang course ang kinuha namin. Wala si Tonia kaya si Lisa ang kasalukuyan kong kasama. Bumukas ang pagtataka at pag-alala sa kaniyang mukha. "I-I'm fine." Sabi ko. Nasa classroom kami ngayon at kakalabas pa lang ng professor namin.

"Tubig, oh." Bumuntong hininga siya at halatang nag-alala pagkatapos ay inilahad ang tumbler sa akin na agad ko ding ininom. Noong nakaraang buwan, totoong binibisita ko si daddy at ginagamit ko din iyon para makaiwas muna kay Eros dahil ayaw kong makikita niya akong nahihirapan.

May sakit kaya ako? Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Nagsimula ito noong buwang nakalipas. "You should go to the clinic or go to your home." Lisa said. Umiling ako. "Kaya ko naman." Kumunot ang kaniyang noo halatang galit. "Kaya mo? Nahihirapan ka na nga." Hinawakan niya ako sa braso at napakagat ako nang labi dahil parang may humalungkat sa tiyan ko. Pakiramdam ko mas lumala ang sakit noong uminom ako ng tubig.

"W-wait." Kinalas ko ang pag-kakahawak niya at tumakbo papunta sa c.r. binuksan ko ang pinto pagkatapos ay sumuka. Nanginginig ako at kinakabahan, iniisip ko kung ano ba ang pinanggagawa ko nakaraan kung bakit ako nagkaganito. Hindi kaya... Naghilamos ako ng mukha at agad hinawakan ang aking tiyan pagkatapos ay humarap sa salamin.

Pero hindi. Lagpas limang buwan na ang lumipas simula noong ginawa namin iyon at dapat ay malaki na ang tiyan ko. I'm not pregnant.

"Kaye!" Sinapo ni Lisa ang kaniyang mukha. Sumunod pala siya sa akin. "A-ano na ba'ng nangyari sa 'yo?" Biglang gumaralgal ang kaniyang boses, halatang naiiyak. I think she's right. I can see worries in her eyes. Kaya umuwi ako, pero hindi sa bahay namin ni Eros, instead pumunta ako sa mismong bahay namin. Wala si mama at daddy dahil sa trabaho.

Humiga ako sa kama at tinawagan si Eros, napangiti ang aking labi na namumutla noong sinagot agad niya iyon. "Hello?" Rinig ko ang mga taong nag-uusap sa kaniyang likod, siguro ay staff. Noong nakaraan, kinuwento niya sa akin na nag audition daw sila ni Kai dahil trip lang pero hindi nila aakalaing nakuha sila kaya nagsimula nang naging komplekado ang kaniyang oras at ginugol iyon sa kompanya.

"Kumusta?"

Sabi ko ng mahina. Hanggang ngayon hindi pa niya alam ang nangyari sa'kin. "Okay lang. Kaye, may rehearsal ako ngayon, hindi muna ako makakauwi ng maaga." Napahinto ako. "It's okay." Mabuti na 'yon para hindi pa niya ako makita. Sandali lamang kaming nag-usap dahil pinatay na niya ang tawag. Napabuntong hininga na lamang ako.

Lumipas ang tatlong araw, medyo maayos na ang pakiramdam ko. Kasama ko si Lisa na kumakain sa canteen habang nanunood siya sa tv. Hindi lang pala siya ang nanunood kung hindi ang halos lahat ng taong nandoon habang tumitili pa dahil kumakanta si Eros habang nag gigitara. Napangiti ako. That's not even his dream to become a singer but I can still see happiness in his eyes.

Of course I'm proud, who wouldn't? Nagsisimula na kasi siyang sumikat at unti unti na siyang nakikilala ng mga tao. "Ang gwapo!" Rinig kong tili ng isang babae sa likod habang sinasabayan si Eros sa pagkanta. Tinignan ko ito bago umiwas ng tingin, narinig ko naman ang mahinang tawa ni Lisa sa tabi ko.


Lumabi ako at kumain na lang. Plano kong umuwi ngayon sa bahay dahil nag text din siya na magkita kami sa isang restaurant upang kumain. Nawawalan na kami ng oras para sa isa't isa at natatakot ako dahil doon.


Loving Her Pure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon