Chapter 5

44 7 0
                                    

Chapter 5

Surprise

"INDAAAY!"

My eyes widened and my lips parted when my cousin from Iloilo arrived and finally, she'll live in our house!

"NARIIIII!!!" tili ko sa sobrang tuwa at sinalubong namin ang isa't isa ng mahigpit na yakap.

"Inday, namiss kita! Waaa! Kumusta?" bati niya sa'kin nang humiwalay na kami sa yakap ng isa't isa.

Nakangiti kong tinitigan ang maganda kong pinsan. Nagpaikli na pala siya ng buhok at probinsiyanang-probinsiyana pa rin ang datingan.

She is Nari Roselyn Roces, my beautiful cousin from my mother's side. She is so pretty in her short black hair and white sleeveless blouse na pinatungan niya ng sleeveless maong blazer and of course her usual long blue palda.

Dalagang Pilipina!

"Well, ito kyut pa rin, ikaw? Amputi mo talaga! Nag-glow up teh?" Grabe, mas maputi pa siya sa'kin, well, pinanganak pala akong morena.

Napahalakhak siya at hinampas ako. "Buang, dugay na ako guwapa noh!"

Napangiwi ako sa kanya at kinuha ang isang bag na dala niya.

"Baka bet mo ring magtagalog at nang magkaintindihan tayo, Nari?" Humalakhak na naman siya sa'kin kaya napangiwi na lang ako sa kanya at napapailing na lang na pumara ng tricycle.

Ako kasi ang nagsundo sa kanya at baka maligaw siya papuntang bahay namin.

"Grabe, hanggang ngayon andaming pa ring tao dito sa Maynila. Hindi na nabawasan." usal niya habang nag-iintay kami ng masasakyan.

"Syempre. Kaya ikaw mag-ingat ka. Dayo ka pa naman dito, hindi mo alam ang mga pasikot-sikot sa lugar at kung gaano kasama ang mga tao. Probinsiyana ka pa naman." usal ko at tiningnan siya.

"Kaya nga nandito ka inday, diba? Tsaka day, dito na ko mag-aaral ng Grade 12."

"Yey! Bukas mag-enroll ka na tas punta tayo sa mall, mamili na tayo ng mga school supplies. Igagala kita, Nari."

Ngumisi kaming dalawa at sumakay na ng tricycle. "Excited na ko, day. Syempre bagong school---bagong buhay!"

Nagtawanan kami. Loka loka.

"Nagugutom ka na?" tanong ko sa kanya.

"Oum. Pero mamaya na lang pagdating. Kumusta sila Auntie?" tanong niya.

"Well, walang pinagbago. Ganun pa rin. Nari, doon ka sa room ko matutulog. Share tayo ng room."

Tinapik niya ang kamay kong nasa hita at pabulong na nagsalita sa'kin.

"Day, marami kang ikekwento sa'kin. Nako, hindi ka na nagchachat. Parang napakabusy mong tao. Hmp."

Napahalakhak ako sa kanya. Ang pinsan ko slash bestfriend, nagtatampo.

"Sigi, madami akong ikekwento. Pero tigilan mo pagtawag sa'kin ng inday. Yuck, di ko type."

Umirap ako sa kanya. Ang pangit ng tawag niya. Hindi ko talaga type!

"Luh, maganda kaya. Tsaka mas sanay ako dun. Anyway, may mga pasalubong ako."

Napangisi ako. "Meron ako, bhie?"

"Syempre! Wala." Napawi ang ngisi ko at sinamaan siya ng tingin. She laughed again and raised her peace sign.

"Charot."

Nang makarating kami sa bahay ay tuwang-tuwa siyang kinamusta ni Mama.

Pumunta na lang ako sa kusina upang magluto ng meryenda. Tutal ay hindi naman ako makarelate sa pag-uusap nila dahil nag-iilonggo sila.

Ways of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon