Chapter 14

37 3 9
                                        

Chapter 14

Meet

I entered in our classroom while humming happily. Nangingiti pa ko habang lumulukso lukso. Gulat na napatingin sa'kin ang mga kaklase ko na masuyo kong nginitian.

"Oh, wag na magulat. Masaya yan si shay, baket?! Kase nagkaayos na sila ng bo-" Nanlaki ang mata ko at agad na tinakpan ang bibig ni Nari na kasunod ko.


"Ang sabi ni Nari, masaya ako kasi Monday na ulit! Makikita ko na naman ang mga magagaling nating teachers, my tropapips and of course, my amazing classmates and schoolmates! Awit!" sabi ko at nginisian sila.

Umawang ang mga bibig nila at napangiwi. "Awit sa'yo shay, anong meron? Happy mo, ah? Daig mo pa ang blooming na buntis." sabi ni Dred na minamata ako ng pagtataka.

"Baka may jowa na si Elisha?" mataray na tanong ni Myrtle at inirapan ako. Unti-unting napawi ang ngisi ko.

"Duda ako sa masaya tayong makita. Hindi ka si shay kung excited kang pumasok. So, what's the catch, Eli? Mind to share?" taas-kilay na sabi ni Jerou na inaantok na nakahilig sa upuan niya.


"Uu nga, kapag nakangiti ka Elisha, parang ang gaan ng mundo. Nakakawala raw ng problema yung smile mo---" sabat ni Dawin na biglang siniko ni Javen.

Biglang kinagat ni Nari ang kamay kong nakatakip sa bibig niya kaya binawi ko ito. "Aray..." daing ko at hinaplos ang kamay kong kinagat niya.


"Daw?! Sinong nagsabi, Dawin?" Nari's eyes narrowed na para bang nakarinig ng sobrang nakakaintriga.

Ngumisi si Dawin kay Nari at lumingon sa akin at kay Javen at tinaas ang kamay na parang may ituturo nang bigla siyang marahas na sinanggi ni Javen at humarap sa'kin.



"Nagawa mo ba ang visual aids natin, Elisha?" masungit na tanong niya. Napakurap ako at napalunok. Masyado na naman akong nasisilaw sa gwapong mukha ni Javen kaya bago pa ko mapatitig sa kanya, kailangan na itong iwasan.


"Yes po, tapos ko na at ready na ko para sa reporting natin, kahit now na!" masigla kong sabi habang naglalakad palapit sa upuan ko. Nilampasan ko siya at dumiretso sa tabi ni Jerou. Nakasunod naman sa'kin si Nari.


"Patingin nga," rinig kong sabi niya. Nilingon ko siya nang mailagay ko sa upuan ang bag ko at nasa likod ko na pala siya, nakatayo at kunot ang noo.

"May examples kang nilagay?" tanong niya ulit habang kinukuha ko sa bag ang visual aids na madali ko lang naman ginawa. Nilabas ko na rin ang intermediate pad ko kung saan ko inilagay ang examples at notes.


"Ito na po, Javen sungit. Inaral ko na yan. Waiting to report na lang ako ngayon..." sabi ko at inabot sa kanya ang mga visual aids at papel saka naupo sa tabi ni Jerou.

"Puyat pa more, parecakes." nakangising asar ko kay Jerou sabay tapik sa balikat niya.


"Panalo naman sa ML." sagot niya at ngumisi sa'kin. Napailing na lang ako sa kanya. Tinigil ko na ang pageeml, hindi lang dahil sa busy sa studies, gusto ko ring magfocus sa pagsusulat tsaka bwisit si Jerou, lagi akong tinatalo.


"What did you call me?" tanong ni Javen kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's standing in front of me, without emotion in his face.



"Ano bang tinawag ko sa'yo?" nagtatakang tanong ko at napakunot ang noo, iniisip kung ano bang tinawag ko sa kanya kanina. "Ah! Javen sungit?" I smirked, he's forehead furrowed kaya lalo akong napangisi. "Why? Bagay naman, ah?"

"Siguraduhin mo lang na maayos ang pagrereport mo mamaya, Elisha." sabi niya at tumalikod na, dala ang visual aids namin. Napakamot ako sa ulo ko at nakipagkwentuhan na lang muna kanila Nari at Jerou habang iniintay ang start ng klase.


Ways of DestinyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon