Chapter 17
Feelings
Alas singko na ko nakauwi sa bahay dahil ayoko namang umuwi na namumugto ang mata at halatang galing sa pag-iyak.
Matapos ang pag-uusap namin ni Javen, nanatili na lang muna ko sa wash area, grateful nga ko e kasi may kasama pa ko. That guy I encountered in the wash area was with me.
Nung umalis si Javen, hindi ko na nagawang umiyak pero nanatili akong tulala. Mabuti na lang kahit papaano, nagkekwento si Azriel ng mga nakakatawang pangyayari sa kanya at ang mga jokes na sobra siyang natawa.
Azriel is his name---the guy I encountered in wash area. Ang bait niya. He is grade 11-HUMSS student pero eighteen years old na siya. Mas matanda pa sa'kin.
"Inday! Antagal mong umuwi ah! Kumusta ang klase?" bungad sa'kin ni Nari pagkapasok ko sa gate ng bahay. Nakagray na mahabang palda siya at white blouse.
Ngumiti ako sa kanya, namiss ko si Nari, hindi kasi siya pumasok ngayon dahil masama raw ang pakiramdam niya. Nasanay pa naman ako na lagi ko siyang kasama at kaya rin siguro ako nagburst out kanina ay dahil wala ng Nari na aaliw sa'kin para makalimutan ko ang problema ko.
"Namiss ka namin, pero of course, ako talaga ang sobrang nakamiss sa'yo." I hugged her and I can't help but to be clingy.
"Ay grabe day, miss na miss ako?! Parang ilang oras lang tayong hindi magkasama, ganyan ka na ka-clingy ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ni Nari.
Ngumuso ako at kumalas sa yakap. Natawa siya nang makita ang ngusong simangot ko.
"Day, itigil mo yan! Hindi ka cute 'no!" Hinampas niya ko at sabay na kaming pumasok sa bahay.
"Ma!" bati ko kay Mama at nagmano sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang, shay?" Napahikab ako at lumapit naman kay baby Elena na mahimbing na natutulog. I kissed her forehead.
"Wala lang, Ma. Tumambay lang ako saglit sa school at nagmerienda-merienda." sabi ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nagsinungaling na naman ako.
"Edi busog ka na pala? Nagluto pa naman dyan si Nari ng pancake." sabi ni Mama na sinundan ako sa kusina.
"Kakain ako, Ma." sabi ko matapos uminom ng tubig at naupo sa hapag para tunay na magmerienda.
"Oo nga pala, Ma. Foundation day na po pala ng school next week. Wala kaming klase pero papasok pa rin po kami kasi required yun at tsaka may school activities. Sumali din ako sa English quiz, ako po ang representative ng section namin." kwento ko at dahil dun, kailangan ko na muna pa lang magfocus sa pag-aaral ko.
This past days din kasi medyo nawawala ako sa sarili dahil nga sa meet-up namin ni Marxille na failed at yung kay Javen. Masyado akong occupied doon na naaapektuhan ang recitation at nawawalan ako ng ganang mag-gawa ng activities at sa mga nangyaring yun, pati ang pagsusulat ko apektado. Tsk.
"Edi very good. Maganda yun, dapat ngayong weekends, magreview ka na. Balikan mo rin yung mga nakaraan mong English books ha."
"Opo, Ma. Nanghiram din ako ng English book sa library kanina kaya rin ako natagalan sa pag-uwi." Totoo yun.
"Tsaka Ma, nagulat nga ako, may cash prize ang magchachampion." usal ko nang maalala. Pero hindi naman talaga yun ang habol ko. Wala lang, bet ko lang sumali. Baka kasi pag sumali ako, magiging busy ako sa pag-aaral at kahit papaano, makalimutan ko si Javen at Marxille.
"Wow! Edi galingan mo pala nak at nang ikaw ang mag-champion!" masayang bulalas ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Ma, hindi naman yun ang habol ko. Gusto ko lang magtry." sabi ko at napatango naman siya.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Storie d'AmoreThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...
