Chapter 30

20 1 3
                                        

Chapter 30

Goodbye

"SHAY! BILISAN MO NA, BAKA MATRAFFIC TAYO!" sigaw ni Mama mula sa baba habang nagka-copy paste ako ng story na kakatapos ko lang iproof read at pinaste ko na sa wattpad ko and publish!

Saktong paglabas sa screen ng 'Congratulations! You just published Chapter 30!' ay umakyat si Nari na nakaformal dress na.

"Hoy, inday! Wala akong balak umupo sa likod kaya dalian mo na dyan! Gagraduate na tayo, nagcramming ka pa!" sabi ni Nari at kinuha na ang mga gamit ko para tulungan ako.

Napakamot ako sa ulo at nagmamadaling pinatay ang laptop at niligpit ang mga kailangan iligpit. Bago kasi kami umalis ay gumawa pa ko ng thank you letter para kay Maam Aemie at nagpublish ng chapter.

"Tara na!" nagmamadali kong sabi at nauna na sa kanyang bumaba. Sumunod din siya agad sa'kin at galit na kaming tiningnan ni Mama na nakaayos na rin. Mas mukha pang gagraduate si Mama kaysa sa'kin!

"Ano ba yan, Elisha! Hanggang ngayon ba naman pagsusulat pa rin yang inaatupag mo!" Napangiwi ako ng sisihin na naman ni Mama ang pagsusulat ko. Pero wala ako sa mood ngayon para pakinggan ang basher mother ko dahil masaya ako ngayon, tumitibok ang puso ko sa kaligayahan! Alam niyo kung bakit?

Kasi I just published the last chapter of Ways of Destiny! Kaloka, bes! Tapos ko na, epilogue na lang! Sinabay ko talaga ang pagpublished ng last chapter sa pag-graduate ko, kung kaya ko nga lang pati sana epilogue e kaso siguro bukas na lang.

Naglabasan na naman ang mga bala sa bibig ni Mama na agad kong iniwasan dahil ayokong masira ang espesyal na araw na 'to. Si Mama talaga, nagstart ako magsulat na maaanghang niyang salita ang kinakain ko habang nagsusulat at ngayon na tapos na ko sa chapters, maaanghang na salita pa rin. Gusto ko na ng tubig mga bes kasi baka mapasigaw ako ng wala sa oras sa sobrang anghang!

Nagday off si Papa ngayon dahil dadalo raw siya sa graduation ng mga magaganda niyang anak! Diba, nakakaiyak? Nag-absent talaga si Papa para sa'min! Kasi naman, ilang minuto na lang gagraduate na ko ng high school! Bhie, magkacollege na ang author niyo!

"Elisha, ano ba naman yang buhok mo! Halika nga dito," si Mama na nasestress na sa'kin, syempre mahiya naman siya kasi siya ang ganda ganda tapos yung anak niyang gagraduate nagka-cramming pa—charot!

Hinila ni Mama ang buhok ko at sinuklayan. Napairap si Nari ng makita akong tinatalian ni Mama. Ang ganda ganda ni Nari ngayon suot ang red formal dress habang ako naman ay white sunday dress.

Tumingin ako sa side mirror namin at tiningnan ang tali sa buhok ko na headband braid na bumagay sa kinulot kong buhok. Napatingin ako kay Nari na nasa likod ng owner nang bigla siyang magsalita.

"Auntie, okay lang kaya si Aelianna doon?" tanong niya kay Mama dahil hindi siya sanay na iniiwan si Aelianna sa ibang tao. Iniwan muna kasi namin sila Elena at Aelianna kanila Aling Frida.

Tumango si Mama at masuyo siyang nginitian. "Babantayan naman ni Frida yung mga bata, mag-uupdate ako palagi sa kanila Nari, okay? Ang isipin mo ngayon ay itong event na para sa inyo, with honors ka, ga, diba? Mag-enjoy ka, okay?" sabi ni Mama kaya napangiti ako at tumango kay Nari. Napangiti rin si Nari at napatango.

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang dumalaw ang Papa ni Nari sa bahay at kasama kami ni Nari nang humarap siya at aminin ang lahat sa mga magulang niya. Tita Rina also learned about it at nakita na rin nila ang apo nila, si Tito sa personal at si Tita Rina via video call.

Wala na silang nasabi at napaiyak na lang. Tinanggap nila at pagkatapos nun ay naging madalas na ang communication ni Nari sa parents niya. Sa April uuwi na rin si Tita Rina, kailangan niya raw bumawi sa anak at apo niya.

Ways of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon