Chapter 6

39 6 0
                                    

Chapter 6

Bisaya boys

"Inday! Gising na! First day of school!" Nagising akong sobrang antok. Bakit kasi nagkaron ako ng pinsan na ang boses ay katulad ng kay Mama? My gosh! Hindi talaga ko tinantanan!

Hinang-hina akong bumangon, hirap na hirap pang idilat ang mga mata. Napahikab ako at napapikit. Pagdilat ko, nasa harap ko pa rin si Nari at tinititigan ako. Kinaway niya pa ang isang kamay sa mukha ko, napapikit ulit ako at napahikab.

Pero bigla niya kong niyugyug. Sobrang lakas na halos mayanig ang buong pagkatao ko! Pvtangina!

"INDAY!!!" sobrang lakas niyang hiyaw sa mukha ko habang patuloy akong niyuyugyug. My eyes widened in anger and gritted my teeth.

"NARE!!!" malakas kong sigaw at tumayo sa kama at wala sa sariling tumira ng sipa! Sapul sa kaliwang pisngi niya!

Lalong nanlaki ang mga mata ko nang magslow motion ang paligid at dahan-dahang pagbagsak ni Nari sa sahig sapo ang kaliwang pisngi niyang nasapul ko. Awts. Peyn.

"Shit! Nari!" I panicky said and covered my mouth in shock. Napakurap-kurap ako habang tinitingnan siya sa sahig na nakabulagta, dilat ang mga mata pero parang hindi nahinga.

Weh? Dahil sa flying kick ko, namatay ang pinsan kong dilat ang mga mata?

Awit!

Tumalon ako sa kama at pinatong ang isang paa sa tiyan niya. Checking if she's still breathing. Pero bigla siyang gumalaw at hinila ang paa ko. Aray!

"Nariii!" tili ko nang bumagsak ako sa kanya at pinaulanan ako ng kiliti. "Shit! Nare!!!"

"Good morning, inday! Ang sakit nun ah!"

Matapos naming kumain ay naghanda na kami para sa school. Naabutan pa namin si Papa at nasabayan sa pagkain.

"Shay, baon niyo ni Nari. Mag-aral ng mabuti. Wag papagabi. Ikaw Nari, wag kang sasama kung kani-kanino dun ah? Shay, ikaw rin. Ingat kayo." paalala ni Papa at inabutan kami ng pera.

"Ikaw rin, Pa. I love you po." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi pati si Mama.

"Oh sige na, Shay, ikaw nang bahala kay Nari. Magkaklase kayo?" tanong ni Mama habang hinahatid kami palabas ng bahay.

"Yah." sagot ko at kinawayan siya. "Alis na kami, Ma!"

Tumango lang siya at sinundan kami nang tingin na naglalakad na palabas ng subdivision. Bumili muna kami ni Nari ng candies at chichirya sa tindahan na nadaanan namin bago kami sumakay ng tricycle.

"Ano, ayos ba uniform ko?" tanong ko kay Nari habang binubuksan ang yakee. Nasa loob na kami ng tricycle papunta sa BSHS.

"Yah, nagkasya sa'kin. Maluwag ng konti yung blouse pero okay naman. Medyo chubby ka kasi." giit niya at sinumping ang ilang hibla ng buhok.

"Hmp. Di kaya. Payatot ka lang." sabi ko at chinech ang braso ko. Di naman ako tumataba ah.

"Oy, kinakabahan ako. Mabait ba mga tao dun? Baka ibully nila ko." She frowned. She looks bothered and nervous.

I heaved a sigh and took the hair clip I put in my pocket earlier and showed it to her. I smiled at her. Gulat siyang napatingin sa hair clip.

"See this? Nasa akin ang isa." Tinuro ko ang kapartner nitong hair clip na nasa kanang side ng buhok ko. "At itong partner niya, sayo na 'to. Para naman magkadesign yang hair mo." Marahan ko itong sinuot sa kanya.

Umawang ang bibig niya at napahawak sa hair clip na nilagay ko sa buhok niya. I cupped her face and faced it to me. Chineck ko kung maayos at pantay ba ang pagkakalagay ko ng clip sa gilid.

Ways of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon