Chapter 29

12 1 0
                                        

Chapter 29

Picnic Date


"AHHHHHHH!" Napatigil ako sa paggawa ng assignment ko nang marinig ang malakas na sigaw na yun ni Nari mula sa ibaba. Napatayo agad ako at kinakabahang bumaba at dumiretso sa sala.

"Nari, anong nangyari?!" Halos sabay kaming nakarating ni Mama at lumapit kay Nari na ngayon ay hawak ang kanyang tiyan at nakangiwi sa sakit.

"Hala! Ang panubigan mo pumutok na! Manganganak ka na, Nari!" si Mama nang makita ang tubig na dumaloy sa binti ni Nari. Napaiyak si Nari at patuloy na napasigaw sa sakit.

Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan at hindi malaman ang gagawin. Lumingon si Mama sa'kin.

"Shay, tumawag ka ng tricycle, manganganak na si Nari! Bilisan mo!" natatarantang sigaw ni Mama.

"H-Ha?! N-Ngayon na siya manganganak?!" gulat na tanong ko at parang ako ang natakot para kay Nari pero mabilis din akong tumakbo sa labas ng bahay at naghanap ng tricycle. Mabuti na lang ay may napadaan.

"Kuya, pasakay! Manganganak na ang pinsan ko! Sa pinakamalapit na hospital lang!" sabi ko sa driver ng tricycle at pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong ko si Mama na bitbit na ang bag niya at inaalalayan si Nari na sumisinghap na sa sakit at pinagpapawisan.

"Sumakay na kayo! Sasama ako, Ma!" kinakabahang sigaw ko at napapangiwi sa mukha ni Nari, parang nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman niya!

"Hindi na, bantayan mo si Elena! Tawagan mo ang Papa mo, babalitaan na lang kita!" mabilis niyang sabi at tinulungan na sila ng driver makapasok sa tricycle.

"Nari, please, kunti na lang, tiisan mo lang, huh? Matatapos din 'to." sabi ko at para kong maiiyak habang nakikita ang paghihirap ni Nari sa sakit. Tumango lang sa'kin si Mama at sinenyasan na kong pumasok. Nanginginig ang kamay kong napahawak sa bibig at napadasal na kayanin ni Nari ang panganganak.

Bumalik ako sa loob ng bahay at pinuntahan ang kapatid kong pumapalahaw na ng iyak. Pinatahan ko siya at nilaro-laro.

"Shoo, Elena, wag ka na iyak, sandali lang sila Mama, babalik din sila agad. Dito naman si Ate e, di kita iiwan, tahan ka na, baby." sabi ko at pinunasan ang luha niya. Tinawagan ko si Papa habang tinitimplahan si Elena ng gatas para tumahan.

Nang sagutin ni Papa ay binalita ko sa kanya na manganganak na si Nari kaya nagmadali rin siyang umalis muna sa trabaho dahil sa emergency at sinabing pupuntahan si Mama. Nang kumalma ang kapatid ko ay napabuntonghininga na lang ako at napaupo sa sahig sa harap ng crib ni Elena.

Kinuha ko ang cellphone at nagchat sa gc ng research na nasa ospital na si Nari at nanganganak. Unang nakaseen si Jerou na agad nagcall sa messenger. Sinagot ko ang tawag niya.

"Saang ospital siya dinala?!" bungad niya sa'kin. Naririnig ko ang kaluskos sa paligid niya na parang may ginagawa siya. Sinabi ko ang ospital kaya pinatay niya agad.

Nasapo ko na lang ang ulo at napadasal ng tahimik na sana maging maayos ang panganganak ni Nari at safe silang dalawa ng baby girl niya.

Almost one month has passed since the graduation pictorial. Last week pa talaga namin ineexpect ang panganganak ni Nari pero mukhang nadelay lang ng isang linggo. Gusto ko sanang nandoon ako kapag nanganganak siya pero hindi naman pwede, anong magiging silbi ko doon kung kanina nga ni hindi ako makakilos? Tsaka mas okay ng si Mama ang umalalay sa kanya dahil mas alam ni Mama ang gagawin.

Sabado ngayon kaya buong araw akong nandito sa bahay at hinihintay ang tawag ni Mama at Papa. Napatingin ako sa wall clock namin at mag5pm na, kanina pang alas dos sinugod si Nari, wala pa rin akong balita.

Ways of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon