Chapter 16
Sin
Pinagpag ko ang panyo ni Javen na nalabhan ko na at inayos ang pagkakatupi. Kasalukuyan ako ngayong nasa comfort room dahil kailangan ko ng comfort. Char.
Pero bakit nga ba tinawag ang cr na comfort room? Siguro dahil ang cr, dun ka umiiyak, naglalabas ng sama ng loob---yung isa pang sama ng loob, you know. Char.
Napabuntonghininga ako nang matupi ko na ng ayos ang maputing-maputi na niyang panyo na pinalantsa ko pa kanina. Nakakahiya naman kasing isauli ng gusot, diba?
Mag-iisang linggo na rin pala ang lumipas matapos ang meet-up namin ni Marxille na hindi natuloy or let's say, nakita ko na siya in person pero hindi niya alam na ako pala.
At mag-iisang linggo na rin ang nakalipas matapos ang naganap sa pagitan naming dalawa ni Javen.
Natulala ako nang muli na namang maalala ang nangyaring yun nung Friday na ilang beses kong napanaginipan at halos isang linggo kong itinuring na hallucination, imagination, o gawa gawa lamang ng iluminati---CHAROT ulit.
Pero seriously, halos isang linggo akong nabaliw at kahapon ko lang tinanggap na totoo lahat o kinausap ang sarili ko na yakapin na lang ang katotohanang hinahampas na sa'kin.
Sobrang hirap nang pinagdaanan ko this past few days, wala kong tulog ng maayos dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, ang eksenang 'yun' ang nakikita ko. HD pa.
Napahawak ako sa sintido ko nang kumirot ang ulo ko at napatingin sa repleksyon ko sa salamin. Sobrang haggard ko na. Halata na kulang ako sa tulog, at makikita talaga ang paghihirap sa mukha ko these days.
Gosh. Nakakastress kayang isipin kung totoo ba 'yun' o hindi. Nakakastress ideny ang katotohanan na paulit-ulit na sa'king sinasampal. At mas lalong nakakastress isipin na hinalikan ko si Javen gayung may boyfriend akong tao at sa araw pa ng meet-up namin! Nakakaiyak isipin na habang nag-iintay ang lalaking mahal ko sa wala, ako naman nasa malapit lang at may kahalikang iba!
Nanghina ang mga tuhod ko nang muling pumasok sa'kin ang reyalisasyon na yun, napadausdos akong napaupo kasabay nang pagbuhos ng mga luha ko sa halo-halong emosyon.
Hindi ko na naman napigilang ang paghikbi at pag-iyak dahil sinasampal ako ng reyalisasyon na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko na sumisira ng binuo naming dalawa ni Marxille Writes.
Even how many times I tried to fool myself that it's not true, that everything is okay---NO because every time I deny the fact, doubleng guilty ang bumabalik sa akin.
And yes, it's not stress I'm feeling right now, but guilt, frustration, and anger toward myself---at sa pagkakataong 'to, feeling ko nababaliw na ko.
I can't help but to mental breakdown, I can't control my emotions and thoughts these past few days and I'm exhausted from fighting and facing it already.
Ang panget mang sabihin sa part ko pero ito ang lumalabas e, I cheated at the back of my boyfriend. I kissed my classmate Javen Solivar, while having a relationship with Marxille Writes in the internet. At kahit ano pang idahilan ko sa sarili ko, kahit hindi ko sinasadya o hindi ko nagustuhan ang nangyari, hindi yun mababago ang fact na---I CHEATED.
It's cheating...and I don't know what to do now.
Akalain mo yun ano, akala ko cheating is a choice, yes oo nga naman but sometimes kasi, hindi natin namamalayan na nagtataksil na pala tayo. I didn't mean it. However, I will not deny it. Nagkamali ako.
Hindi... hindi ko gustong halikan si Javen... hindi ako nagcheat kay Marxille. Hindi namin sinasadya na nagdikit ang mga labi namin, hindi ko sinasadyang halikan at magpahalik kay Javen... nadala lang ako...

BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...