Chapter 22
Courage
"Ikaw si Marxille Writes?" malakas na boses ni Mama ang naglayo sa aming dalawa. Nanlamig ako at nanlalaki ang mga matang lumingon kay Mama at Papa... na nakalapit na sa'min.
"Ano 'to, shay? Naglihim ka na naman sa'min! Kayong dalawa ni Javen..." usal ni Mama at galit na napailing sa'kin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko ay dumoble. Ang kaninang masaya kong nararamdaman ay napalitan ng takot. Sunod-sunod na ang pagbuhos ng mga luha ko habang pinagmamasdan sila Mama't Papa.
Narinig nila... nalaman na nila.
"Ma... hindi po..." nangangatal na usal ko. Umiling ako sa kanila pero nadurog lang ang puso ko nang makita ang disappointment sa mata ni Mama.
"Anong hindi?! Narinig namin, sinabi mong mahal mo siya! Hindi mo ko sinunod, Elisha? Kayo pa rin? Tapos nilihim mo pang siya pala si Marxille mo! Napakasinungaling mo." galit na galit na sabi ni Mama at dinuro ako.
Napahikbi na ko at paulit-ulit na umiling sa kanila. "Ma... hindi po... kanina lang namin nalaman... k-kanina ko lang nalaman na siya po si Marxille..." humahagulgol na sabi ko.
"Elisha..." Lumapit sa'kin si Javen at hinawakan ang balikat ko. Hinawi ko siya at nilingon. I shook my head at him. Namumutla siya at nang makita ang pag-iling ko ay muling dumaan ang sakit sa mga mata niya.
"Tapos mahal mo siya? Edi sa kanya ka na! Umalis ka na dito, sumama ka na dyan. Wala akong anak na sinungaling, malihim, at hindi marunong sumunod!" galit na galit niyang sabi at tinulak ako papunta kay Javen.
"Eliza!" galit na sigaw ni Papa. Nayakap ako ni Javen sa likod.
"Auntie..." usal niya, nabibigla.
"Isa ka pa, Javen! Akala ko matino ka pero anong ginawa mo sa anak ko? Hindi ganito ang anak ko pero nang dumating ka, natuto na siyang magsinungaling!" sigaw ni Mama kay Javen at nanlilisik ang mata itong tiningnan.
"Eliza, huminahon ka nga! Pwede ba? Yang bunganga mo! Anong papaalisin si shay? Ang bata pa niya!" galit na sabi ni Papa kay Mama. Lalo akong napaiyak.
"Yun na nga, Raydin! Ang bata pa niya pero ito ang landi landi na!---" sigaw ni Mama na kanina pa gustong hilahin ang buhok ko pero pinipigil siya ni Papa.
"Eliza, ang bunganga mo!" malakas na sigaw ni Papa.
"Hindi malandi si Elisha, Auntie!" sigaw ni Javen. Lumingon ako sa kanya at mariing umiling.
"Ano ba, Javen! Umalis ka na... please..." nakikiusap na sabi ko. Nakita ko ang tumatakbong papasok na sila Nari at Dawin na mukhang gulat sa nangyayari.
"Wag mo kong tawaging Auntie! Hindi kita pamangkin!" sigaw ni Mama na sobrang galit na! Napapikit na lang ako at napakuyom ng kamao.
"Auntie, Uncle, rinig ang sigawan sa labas. Ano bang nangyayari?" nalilitong usal ni Nari.
"Eliza, ano ba! Pwede bang huminahon ka muna?" rinig kong mariing sabi ni Papa.
I opened my eyes and wiped off my tears. "Ma..." humikbi ako at nangangatal ang labi. "Makinig naman kayo sa'kin... ngayon ko lang nalaman, kanina lang na si Marxille Writes at Javen ay iisa! Ma, Pa... sinunod ko kayo... nakipag-break ako! Ma... kayo ang pinili ko, dito lang ako, Ma. Hindi ako sasama, ayokong umalis, dito lang ako sa'yo... sorry na, please." Lumapit ako kay Mama at yumakap sa kanya.

BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...