Chapter 8

30 7 15
                                    

Chapter 8

Panget

Napabuga ako ng hangin nang maisampay ko na sa sampayan ang isang kumot. Kasalukuyan akong nagsasampay dito sa terrace ng bahay namin. Kakatapos ko lang magbanlaw at basang-basa na ko.

Mabilis akong nagsasampay nang biglang may nagtao po sa bahay. Nakita ko si Kuya Rap Rap, ang anak ng kapitbahay naming si Aling Frida. Lumingon ako sa loob ng bahay kung saan nasa loob si Mama na naglilinis ng bahay.

I sighed and decided to walk towards our gate. "Ano yon?" tanong ko agad kay kuya Rap Rap na nasa labas. Binuksan ko ang gate.

Ngumiti siya sa'kin at inabot ang hawak niyang mangkok na may lamang ulam. "Ahm pinabibigay ni Mama. Nagluto siya ng sisig, baka gusto niyo."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nahuli siyang nakatitig sa'kin habang nakangiti. Ngumiti ako pabalik at tinanggap ang sisig na dala niya.

"S-salamat, Kuya." usal ko at napalunok pa nang magtama ang daliri namin. Napatikhim siya at napatango nang makuha ko na ang pagkain.

"S-salamat uli. Ibabalik ko na lang yung mangkok, maya-maya." I smiled again. Papasok na sana ko sa loob nang marinig ko ulit siyang magsalita.

"Ang dami mo pa lang labahan, Shay." sambit niya habang nakatingin sa trabahong iniwan ko.

"Uh, isasampay ko na lang din naman." sabi ko at ngumiti ulit. I was never comfortable with him. Maybe it's also the reason kung bakit hindi ako pumunta ng birthday niya nung nakaraan at madalang lumabas ng bahay.

"Ang sipag mo naman." Napakurap ako at ngumiti nang pilit nang makitang nakatitig siya sa'kin. Pilit akong natawa.

"Ah, hindi naman. Masunurin lang." usal ko, kating-kati ng pumasok sa loob dahil ayoko ng makipagtalk sa kanya.

Bata pa lang ako, kapitbahay na namin sila. Mabait silang kapitbahay, pangalawa siyang anak ni Ate Frida. Mabait naman siya pero talagang hindi lang ako kumportable.

"SHAY, SINO YAN?" Halos mapatalon ako sa sigaw ni Mama. Napalingon agad ako sa kanya na nakatayo sa labas ng pintuan.

"Ah, sige balik ko na lang yung mangkok. Salamat ulit." mabilis kong sabi at sinarado na ang gate. Nginitian niya ko kaya ngumiti rin ako pabalik at mabilis na lumapit kay Mama.

"Ma, si Kuya Rap Rap. Bigay ni Ate Frida." sabi ko at binigay sa kanya ang ulam at tinuloy na ang pagsasampay. Natuwa naman si Mama dahil isa sa paborito niya ay sisig which is ayaw ko naman.

Pinamalengke ni Mama si Nari kasama yung isa rin naming kapitbahay na babae na pupunta rin sa palengke. Nagulat nga ako kanina e, pamamalengkein niya si Nari eh hindi naman non kabisado ang lugar na 'to, yun pala ipapasabay niya sa kapitbahay naming mamalengke rin. Sabi pa ni Mama para raw mapafamiliarize si Nari sa mga lugar dito.

Weekend ngayon kaya nasa bahay lang ako. Hindi na ko nagsayang ng oras, matapos gawin ang lahat ng trabahong pinagawa ni Mama ay natulog muna ko at paggising ay agad nagtype ng chapter para makapag-ud.

At syempre dahil nasa bahay lang si Mama, hindi maiiwasang mahuli niya kong maglaptop at magsulat. Syempre, another sermon from my best mother.

Bakit daw ang walang kwentang ito ang ginagawa ko instead of studying? Habang nagtatatalak siya at iniinsulto ang pangarap kong maging writer ay tahimik lang ako at iniisip na lang si Marxille.

Wala naman ding mangyayari kung sasagot pa ko, mas lalo lang magagalit si Mama at lalayo ang loob namin sa isa't isa. Imbes na baliktarin ang pananaw ni Mama sa pangarap kong pagsusulat, why don't I just listen to her and make her hurtful and insulting words my inspiration and motivation to more reach my goals and dreams. She always believed that I can't do it, then I'll prove to her more that I can do it. That I will be successful in this field.

Ways of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon