Chapter 15
Close
Cyanara Manunulat:
Hindi kita chinacharot, pare.
Ilang taon ka na?
Marxille Writes:
Mag-e-18 sa June.Marxille Writes:
I think I like you, Ladyshay.Cyanara Manunulat:
I like you rin, lods.
Marxille Writes:
Stop calling me, lods.
Why don't you just call me, love?Cyanara Manunulat:
Edi... love.
Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa pinaka sulok ng bench, sa terminal ng mga tricycle. Ilang metro ang layo mula sa coffee shop.
Hindi ko alam pero konti lang ang mga tricycle dito at taong nag-iintay ng masasakyan. Pero mabuti na rin yun, nakakapag-isip ako.
Bumabalik ang mga alaala namin ni Marxille noong unang chat namin, nung nagtanong ako sa kanya ng age niya, nung umamin siya na gusto niya ako at ako rin, at doon nagsimula ang endearment namin.
Marxille? 18 years old? Love?
Mahina akong natawa sa isiping yun. Pero kasabay nang pagtawa ay ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Para bang ang kaninang pinipigilan na luha ay tuluyang nahulog nang tumawa ako.
I almost forgot, nasa RPW pala kami, where you can fake your name, your age and even your feelings. Marxille, his real name is Marxille but the age he told me was fake. The love he's telling me, is that real? Or also fake?
Maybe this is my consequence for not following and being secretive to my mother.
Naririnig ko ang pag vibrate ng cellphone na hawak ko at alam kong puro si Marxille lang yun. Of course, sigurado sa mga oras na 'to, hinahanap niya na ko.
Funny, ako ang nag-aya ng meetup pero ako rin pala ang hindi sisipot.
Sigurado yan ang iniisip niya ngayon. Na pinaasa ko siya.
Tinanggal ko ang tali sa buhok ko at hinayaang lumugay ito at ginamit pangtakip sa mukha ko. Ayokong makita ng mga tao dito na umiiyak ako pero hindi ko kasi kaya e, hindi ko mapigilan.
Wala akong karapatan na magalit kay Marxille about sa pagsisinungaling niya dahil kahit pangalan na ginamit ko ay peke rin. Pero bakit kailangan niya kong lokohin sa edad niya gayung alam niya naman na bata pa ko?
Bakit kailangan niyang pumatol sa'kin kung alam niya namang ang laki ng agwat namin?
Yes, I know that age doesn't matter if you love someone but... ang bata ko pa kasi at hindi ko ineexpect 'to. Una sa lahat, hindi ako handa sa age niya at ang gaga ko dahil pumasok ako sa relasyon pero hindi pa talaga ko handa para dito, we all knew that this is my first time at napaamin lang naman ako ng wala sa oras dahil may gusto rin ako kay Marxille at ayokong sayangin ang pagkakataon na gusto niya ko kaya kahit kapalit nito ang paglilihim at pagsuway kay Mama, sumugal ako at naging kami sa RPW.
Mahal ko siya at kahit ngayong nalaman kong hindi pala siya 18-year-old guy, nothing changed, my love for him still remains.
Pero sana kasi sinabi niya na lang sa'kin ang totoo 'diba? Para napaghandaan ko sana, para napag-isipan ko. Hindi yung ganito. Nafufrustrate tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...