Chapter 20
Marxille
"Uh, Javen Nash Solivar. 18 years old, from Valencia, Bukidnon." He said and smiled boyishly.
"Wow, from Valencia, Bukidnon. Sa probinsiya kung saan nagagandahan ang mga bulubundukin, sagana sa palay, mais at higit sa lahat ang pinya. May pineapple ba kayong pasalubong dyan?" natatawang tanong ni Maam Aemie. Natawa din sila.
"P-Paanong..." usal niya at gulat pa ring nakatingin sa'kin.
Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa para i-dismiss ang alarm. Pigil ko ang hininga nang mahawakan ang cellphone kong patuloy ang pagtunog.
Bumagsak ang luha ko nang mapatay ko ang alarm ko. 6 pm ang sinabi ni Mama'ng oras nang pag-uwi ko at ngayon kahit papaano ay paunti-unti niya na kong kinakausap, ayokong magalit ulit siya.
Biglang hinablot ni Javen ang cellphone ko kaya napasinghap ako at inagaw sa kanya 'to pero galit niyang nilayo.
"Bakit meron kang record ng boses kong kumakanta? Hindi ito ang kanta ko kanina para mairecord at maialarm mo agad! Hindi pa ko kumakanta ng ganito sa school o kahit si Dawin, hindi narinig na nagpatugtog ako ng Iris! Giunsa nimo kini?" bulalas niya.
My lips trembled and my tears stream down my cheeks. "Javen, akin na yan..." kinakabahang usal ko.
Napatitig siya sa'kin. Nagsusumamo ang titig ko sa kanya habang patuloy na inaabot ang cellphone ko. I want to go home. Hindi ko na kaya ang lahat ng 'to. Pagod na ko...
Pagak siyang natawa at lalong kumunot ang noo. He glanced at my phone na pilit niyang nilalayo sa'kin. "Maliban na lang kung---"
"Akin na sabi!" sigaw ko sa sobrang galit. "Akin na!" Pero hindi niya binalik. Umatras siya habang kinakalikot ang cellphone ko na para bang kanya. "Javen, please, akin na yan!" nanghihinang usal ko habang patuloy ang pagluha.
"IKAW SI CYANARA MANUNULAT?!" Namilog ang mga mata ko at nagpanting ang tenga ko sa binulalas niya. Nagtama ang mga mata namin. His eyes narrowed and watered.
Natulala ako sa kanya at hindi nakagalaw. Dumadagundong ang puso ko sa kaba, sa takot, sa lahat nang mga nangyayari. How come na kilala niya rin si Cyanara Manunulat?
Si Javen Solivar?!
We stared at each other. His forehead furrowed while looking at me, his eyes were longing and confused. Halos manlabo ang paningin ko dahil sa mga luha.
"Elisha, sumagot ka. Ikaw ba si Cyanara Manunulat?!" sigaw niya pagkaraan nang ilang minutong katahimikan. Diretso ang tingin niya sa'kin.
Nangangatog akong napaatras habang nanginginig. He suddenly grabbed my arm and pulled me closer to him. He stared at me directly in the eyes.
Mas lalo akong natakot nang malapitan akong titigan ng itim niyang mga mata. His deep black eyes that made me close and fall for him even more.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
RomanceThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...
