Chapter 26
Truth
Natapos nang maayos ang Christening ni baby Elena at pag-uwi sa bahay galing sa simbahan ay nagsimula na rin ang celebration para sa birthday ko. Pero alas sais pa ng gabi magsisimula ang party, tamang kainan lang muna sa hapon at paghahanda.
"Yan, day! Ang ganda ganda mo, sobra! Lalong mababaliw si fafa Javen niyan!" Natawa ako sa tili ni Nari matapos niya kong ayusan. Silang dalawa lang ni Mama ang stylist ko dahil wala na kaming budget para sa make-up artist.
"Tumigil ka nga, Nari!" suway ni Mama kay Nari at napatingin sa'kin mula sa salamin. "Napakaganda mo nga, nak. Manang-mana ka talaga sa'kin." nangingiting usal ni Mama.
"Mama talaga." nakangising sabi ko habang namamangha ring pinagmasdan ang mukha ko sa salamin. Napakasimple ng make-up sa'kin pero ang lakas ng dating. Paano pa kaya pag suot ko na ang long dress na binili ni Mama sa Baclaran?
Napangisi ako. Tulo laway talaga sa'kin si Marxille mamaya.
Napasinghap ako nang makita ang kabuuan ko matapos makapagbihis. Wearing a fashionable pink and black tulle sleeveless high low dress and black ankle boots. Ang ganda ko.
My mother curled my hair and Nari fishtail crown braid it. To make it more beautiful, isinuot din sa'kin ni Nari ang gift niya noon na headband na napapaligiran ng maliliit na flower ang design.
"Ang ganda mo, nak..." naluluhang sabi ni Mama nang makita na ang kabuuan ko. "May dalaga na talaga ako..." Natawa ako sa kanya nang yakapin niya.
"Ang bilis ng panahon..." natutuwang usal niya.
"Grabe..." nakangangang usal ni Nari, starstruck pa rin sa kagandahan ko for today's video. "Napakaganda..." Napahagikhik ako sa mga papuri nila.
"Ang galing ko mag make-up. Gosh, inday! Ang ganda ganda mo! Happy Birthday!" naiiyak ding sabi niya at niyakap din ako. "Mahal kita..." bulong niya.
"Mahal din kita, Nari." bulong ko pabalik at matamis na ngumiti. "Tsaka hindi naman ako magiging ganito kaganda kung hindi dahil sa inyo ni Mama. Ang ganda kaya ng pagkakabraid mo tas pag make-up niyo sa'kin ni Mama. This day wouldn't be extra special for me without the love and help of my family." sabi ko at kiniss ang pisngi ni Mama.
"I love the dress, Ma. Thank you po." Nagdadrama na naman ako.
"Mahal na mahal kita, Elisha. Kahit 18 ka na, dapat baby ka pa rin namin ng Papa mo. Baby namin kayo ni Elena, walang edad edad. Naiintindihan mo, shay?" Pinandilatan ako ni Mama.
"Opo, Ma." nakangiting sabi ko.
Sabay-sabay na kaming bumaba dahil alas sais na at magsisimula na ang party ko. Malaki ang ginastos ni Mama at Papa dito, sabi ko nga okay lang sa'kin kahit simpleng handaan pero sabi ni Papa, dapat bongga raw para sa mga prinsesa niya.
Aw, sabi ko sa inyo e, I have an awesome father, masipag na, sweet lover—Papa pa!
Nandito ang mga kamag-anak namin na kayang makapunta dito, some of my friends in my old school at ang mga kaklase at teacher ko sa kasalukuyan. Welcome rin ang mga kapitbahay namin.
"Happy birthday, Elisha. Kamukha mo na talaga ang Mama mo." sabi ni Papa na unang kasayaw ko. Natawa ako.
"Pa, pwede na ba?" tanong ko at ngumiti. At dahil ama ko siya, nagets niya agad ang kislap ng mga mata ko.

BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...