Chapter 19
Alarm
Napangiti ako nang iannouce ang pangalan ko as the first place in E-Quiz. Matapos akong parangalan ay bumalik na ko sa classroom namin. I am the winner sa aming 30 na grade 11 at 12 na representatives.
Sa Friday na lang daw ibibigay ang mga awards and cash prize ko, sa awarding part ng Foundation Day, sa Friday.
Bago ako makaakyat sa classroom namin, sinalubong ako ng mga kaklase ko na nag-aayos ng stage dito sa baba at nagdedecorate sa paligid nitong ground floor.
"Inday, ano nanalo ka?" tuwang-tuwang tanong ni Nari na may glitters sa mukha. Ngumiti ako at bahagyang umiling.
"Sila. Nanalo sila." malungkot ko kunwaring usal.
"Nice, okay lang yan, shay! You did great pa rin naman! Diba, guys?" pagpapagaan ni Jerou ng loob ko at inakbayan ako.
"Oo naman! Grateful pa rin kami dahil nirepresent ni Elisha ang section natin! Ang hirap kayang mag-review sa English kaya saludo kami sa'yo, shay. Keep it up!" sabi nila at nagthumbs up pa sakin si Pres. Dred.
"Okay lang sa inyo na natalo ang section natin?" tanong ko sa kanila. Kahit papaano gumagaan ang loob ko sa mga reaksyong binibigay nila.
"First of all, we're not really aiming to be the winner, Elisha. Ikaw ang nag-quiz, wala kaming karapatang magreklamo dahil ikaw ang nag-aral at nagsagot doon. Wala nga kaming ambag kaya bakit pa kami magrereklamo?" biglang sabat ni Myrtle at siya ang ineexpect kong huling magsasalita sa kanila o hindi.
Gulat akong napalingon sa kanya, umawang pa ang bibig ko pero ang gaga, inirapan lang ako. Napakurap ako at napatingin kay Nari, nanlaki rin ang mga mata niya at nagkibit-balikat sa'kin.
"Whoa! Yan ang pinakamagandang narinig ko mula sa'yo, Mrytle babes!" sigaw ni Dred na siniringan lang ni Myrtle kaya nagtawanan kami.
Mataray si Myrtle but I forgot, kahit anong sama ang ugaling meron ka, lahat tayo may puso at kaluluwa at kapag may puso at kaluluwa, may kabutihan pa rin.
"At tsaka shay, kahit natalo ka, sobrang proud pa rin ng section 12-Pinya sa'yo!" biglang sigaw ng pamilyar na boses kaya napalingon ako sa likod at nakita ko doon si Javen at Dawin. Si Dawin ang nagsalita.
May hawak silang mga pagkain habang palapit sa'min. Nagtama ang tingin namin ni Javen at ngumiti siya at tumango. Pinakatitigan ko siyang mabuti at napansin ko rin kung ano ang something.
His eyes were swollen. Para bang buong gabi siyang umiyak dahil sa pamumugto ng mga mata niya. Kaya pala kanina, nang makasalubong ko siya bago magtungo sa library nung umaga ay nakashades. Dahil pala namumugto ang mga mata.
Buti pa siya naisip magshades para takpan ang pamamaga ng mga mata pero ako ni hindi man lang yun naisip.
Pero speaking of namumugto ang mga mata, bakit nga ba namumugto ang mga mata ni Javen?
"Yow, yow, yow! Back to school, Elisha!" Napapikit ako sa biglang pagsigaw ni Dawin sa mukha ko kaya tumalsik sa'kin ang laway niya.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...