Chapter 11
Heartbeat
Napabuga ako ng hangin nang matapos ang klase namin sa Contemporary Philippine Arts from the Regions. Umalis na nga ang teacher namin pero hindi pa rin ako tapos sa pagdrawing.
"Anu ba naman 'to, magnenurse ako, bakit kailangan ko pang magdrawing nitong designs? Dapat kayo lang pinapagawa nito e." mangiyak-ngiyak na reklamo ni Nari sa tabi ko habang nagdodrawing.
Lumingon ako sa kanya at tiningnan ang drawing niyang ospital. Natawa ako sa drawing niyang pang Grade school. Sinamaan niya ko ng tingin. I giggled and raised my peace sign.
"Porket magaling ka lang magdrawing. Patingin nga niyan." Kunot noo niyang kinuha ang drawing kong patapos na rin.
"Shanaol!" nakasimangot na usal niya habang tinitingnan ang dindrawing kong design ng bahay. Ngumuso siya at kunot noong tumingin sa'kin. "Drawingan mo ko, day!"
Tumawa lang ako dahil kanina niya pa ko pinipilit na idrawing siya. Naisturbo na nga si Jerou sa kanya kaya tinulungan siyang magdrawing.
"Maayos na naman 'to, wag mo ng kulayan. Mas malinis kung sketch lang. Ano, Jerou, tapos ka na?" sabi ko kay Nari at nilingon si Jerou na nasa kaliwa ko. Kanina pa 'to busy'ng busy eh.
"Wow, ang ganda naman niyang design mo. Ano yan, ospital?" Wait, kanina bahay ginagawa nito e.
He looked at me and showed his drawing of a hospital to us. "Ano? Ayos ba?" tanong niya sa'min ni Nari habang pinapakita sa'min ang drawing niya ng facility ng ospital, yung designs niya, at ang pinaka nakaagaw ng atensyon ko ay ang nurse na kahit maliit ay mapapansin.
"Ang ganda, Jerou! Ang galing mo naman magdrawing, wait patingin nga, nurse ba 'to?" Tumayo si Nari at hinablot kay Jerou ang drawing para matitigan.
"Oum, sa'yo na yan. Ang panget ng drawing mo. Pang kinder." pang-aasar ni Jerou at sinulyapan pa ang drawing ni Nari. Sumimangot si Nari at pabalang na hinampas ang drawing kay Jerou.
"Anyenyenye, at least may drawing. Oh!" Binalik niya kay Jerou ang drawing nito at umirap saka nagligpit ng gamit niya.
"Oo nga, 'no? At least megawa. Pero nakakaawa ka naman kasi ilongga girl kaya ayan, dindrawingan na kita. Baka itapon lang ni Sir Paul ang drawing mo." pang-aasar ni Jerou at tumayo para lumapit kay Nari at ibigay ang drawing dito.
Pilit na tumawa si Nari at inirapan si Jerou. Kinuha ko ang bondpaper na nakaipit sa libro ni Jerou at tiningnan ito.
Isang simple pero magandang bahay. Attracted ang designs nito. Outdoor lang ng bahay ang nakikita. Isa sa nagustuhan ko ay ang mga designs na bulaklak sa labas.
"Sayo na nga yan, Nari. Meron na ko." Nag-angat ako ng tingin sa kanila.
"Ang ganda nitong modern house, Jerou. Sigurado maraming magpapadrawing sa'yo ng mga designs ng bahay. Ganda Nari oh," pinakita ko kay Nari ang drawing.
"Sus, Nakita ko na yan sa internet 'no. Ginaya lang yan ng hayop na yan." inis na usal ni Nari at inirapan si Jerou.
"Hey, tapos na kayo?" Lumapit sa'min si Dawin.
"Daw, pangit ba?" tanong ni Nari kay Dawin at pinakita ang drawing niya. Biglang natawa si Dawin pero napigil niya ito ng samaan siya ng tingin ni Nari.
Biglang hinablot ni Jerou ang drawing ni Nari at pinalitan ito ng drawing niya. "Akin na 'tong drawing mo, ilongga girl! Ipasa mo na yang dinrawing ko sa'yo, thank you ah?" sarcastic ang pagkakasabi ni Jerou nang thank you saka sinama sa mga gamit niya ang drawing ni Nari.

BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...