Chapter 27

11 2 0
                                    

Chapter 27

Gender Reveal


"Nari, s-si Javen ba?" wala sa sariling usal ko.



Para akong nabibingi sa katahimikan. Nakatingin silang lahat sa akin habang nanatili ang tingin ko kay Nari. Sa patuloy na katahimikan ay mas lalong lumakas ang kaba at takot ko. Tila ba sa pagbuka ng bibig niya ay mapapaluhod ako sa panghihina.

Bakit ko nga ba naisip yun? Ako ang palaging kasama ni Nari at sino ba ang mga lalaking lagi kong nakikitang kasama niya?

Si Dawin. Si Javen. Si Jerou. Pero mas madalas ay si Dawin at Javen. At kung hindi si Dawin ang ama ay sino pa ba?!

Halos maiyak ako habang nakatingin sa kanya. "Nari..." nanginginig ang boses ko at hindi ko maisip kung si Javen nga.

Kung si Javen nga, anong mangyayari sa'kin?


Hindi ko alam... siguro mababaliw? Dahil sa sobrang sakit?

I can't imagine my cousin slash best friend and my love having an affair. I don't think I can handle that betrayal...



"Putangina, Elisha." Para kong nagising mula sa imahinasyon nang marinig ang galit na boses ni Javen. "Ano bang sinasabi mo? Bakit ako?! Tangina, paano mo naisip yan? Ikaw ang mahal ko kaya bakit ko bubuntisin si Nari?! Tangina..."


Umawang ang bibig ko habang gulat na nakatingin kay Javen. Ito ang unang beses na sinigawan niya ko. Ito ang unang beses na nakita ko ang galit niya sa'kin.

Matalim ang tingin niya sa'kin at hindi makapaniwala. Nasapo niya ang noo at nagulo ang buhok at napapikit.


"Tangina, wala ka bang tiwala sa'kin para pagbintangan ako?! Tingin mo talaga magagawa ko yun sa'yo? Hindi ka ba naniniwala na mahal kita?!"

Napasinghap ako at nasapo ang bibig. Hindi ko namalayang umaagos na pala ang mga luha sa pisngi ko. Napahikbi ako.



"J-Javen... sorry... k-kasi naman! S-Sino ba ang laging kasamang lalaki ni Nari? Kayong dalawa ni Dawin! Kung hindi si Dawin..." Napaiyak ako.


"Hindi ako." mariing usal ni Javen at masama pa rin ang tingin sa'kin. Para kong sinasaksak sa tingin niya sa'kin.


Napakagat-labi ako at napayuko. "S-Sorry..." Nagkamali ako na pinagbintangan ko siya. Pero... hindi naman kasi maalis sa'kin na maisip na posible yun.

Posibleng siya ang ama ng dinadala ni Nari. Posibleng... lokohin niya ko. I know that he loves me, pero hindi ko naman pwedeng panghawakan lagi yun.

I trust, Javen... I trust, Nari. Pero kasi... Napaiyak ako sa kaguluhan at paulit-ulit na napausal ng sorry.

Hindi ko namalayang humahakbang na pala ang mga paa ko papalapit sa kanya habang patuloy ang paghikbi. Mahal na mahal ko pala talaga si Javen... hindi ko kayang magalit siya sa'kin.

"S-Sorry love, p-pinagdudahan kita..." nanginginig ang mga labi ko at sinusubukan siyang hawakan. Pero halos madurog ang puso ko nang pabalang niya itong iiwas.

Nagtama ang mga mata namin at kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil puno ng luha, kitang-kita ko ang sakit at galit sa itim na mga mata ng lalaking mahal ko.

Ways of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon