Chapter 23

21 0 0
                                        

Chapter 23

Research

Javen Solivar:

Good morning, love! Dito na kami sa school. Intayin namin kayo dito sa waiting area. Ingat.



"Nari! Bilisan mo na, nagchat na sa'kin si Javen! Lagi na lang sila ang nauuna sa'tin, ang bagal bagal mo e ikaw naman ang nauunang magising..." sabi ko habang umaakyat sa taas para kunin ang ID kong naiwan ko sa kwarto.


"Ito na, ito na, excited na naman makita sa Fafa Jaben, sus kayo..." Lumabas si Nari sa CR, lumingon ako sa kanya suot na ang ID ko. Napatitig ako kay Nari na nag-aayos ng uniform niya.


"Nari... tumataba ka na talaga 'no, mas matakaw ka pa sa'kin ngayon. Masikip na ba uniform mo? Grabe ka, nung isang araw, yung palda ang tinahi mo tas ngayon, kaya pa ba ng uniform?" Kumunot ang noo ko habang hinahawakan ang polo niya.

"Grabe ka, day. Makataba 'to," inis na sabi ni Nari at hinawi ang kamay ko. Pinagmasdan ko siyang ayusin ang bag niya. "Hindi pa naman."

"Anong hindi? Malapit ka ng bumilog, beh. Pero okay lang yan, my dear cousin, nung nagkalaman ka lalo kang gumanda. Blooming mo nga everyday." sabi ko at sinuklay ulit ang buhok ko.



Tumawa si Nari. "Magana kasing kumain pag may kasama, shay. Kaya wag ka ng magtaka kung bakit ako tumataba. At blooming? Sa ating dalawa, mas ikaw yun. Ang blooming ng love life, inday. Oh, magliliptint yan..."pang-aasar ni Nari kaya nabitawan ko ang liptint na hawak ko na pala.

"Gaga! Hindi 'no! Nahawakan lang. Tsaka ayaw ni Javen na maglagay pa ko niyan." Umirap ako at sinumping ang buhok sa tenga at nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi.

"Arte, pero bakit ayaw niya? Ikaw naman ang nagsusuot." Napanguso ako at humarap sa kanya. Tuwing tumitingin talaga ako kay Nari ay hindi ko maiwasang bumaba ang tingin sa katawan niya.


"Nagagalit, bakit pa raw ako naglalagay nun e, maganda na raw ako..." medyo humina ang boses ko nang sabihin ang 'maganda na raw ako'. Shit naman kasi! Hanggang ngayon kinikilig ako!

"Yan, kilig everyday! Sumbong kita kay Auntie. Ang landi landi mo, day." natatawa niyang sabi kaya napanguso ako at hinampas ang braso niya.


"Gagu, hindi kaya! Kese nemen e... ang ganda ganda ko raw sa paningin niya, beh!" kinikilig na sabi ko at nahampas ulit si Nari. I stomped my foot on the ground in so much excitement!

"Malamang, day, nanliligaw sa'yo. Baliw na nga yung si Javen, nahiya si Myrtle na nagpapapansin pero sa'yo pa rin nakatingin." natatawang sabi ni Nari.

Napapadyak muli ako sa sahig sa sobrang kilig. "Ang gagu niya, ang gagu gagu." bulong-bulong ko habang sinusumping ang buhok ko. Natatawa na lang si Nari.

Sinukbit ni Nari ang braso niya sa braso ko at ngumiti sa'kin. "Masaya kong masaya ka, shay." nakangiting sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Parang laging naka-blush on 'tong si Nari. Ang ganda talaga ng pinsan ko.

"Masaya rin ako, Nari, na masaya ang stay mo dito. Dito ka na lang, bhie. Wag ka ng bumalik sa probinsiya." usal ko at sinandal ang ulo sa balikat niya.

"Ayoko na rin bumalik dun, 'no. Kahit doon ako lumaki, masakit pa rin sa'kin ang manatili dun, shay. Puro bad memories e. Ayokong malungkot. Dito na lang ako kaya wag niyo kong paaalisin ah. Wala kong mapupuntahan." sabi niya at nanginig ang boses.

Ways of DestinyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon