Chapter 9
Beautiful
"Alam mo Elisha, siguro nga panget ka. Dahil ang tunay na panget ay hindi tanggap ang sarili niya."
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mukha ko sa sinabi niya. Ilang beses akong napalunok at napaiwas ng tingin sa mariin niyang titig.
Umawang ang labi ko at paulit-ulit kong naririnig sa tenga ko ang sinabi niya at ang bawat salita niya ay animong sinasaksak ako at binababa ang pagkatao ko. Napasinghap ako at naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko at parang tumataas ito, pabara sa lalamunan ko.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ako mapakali at ilang beses na lalong napapalunok. I clenched my fist. My heart is pounding rapidly. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pag pumikit ako, hindi ko na mapipigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Okay, class! Times up! Finish or not finish, past your papers! I'll give you one minute to pass it."
Kinagat ko ang ibabang labi at napatulala na lang sa harap. Ignoring my teacher and my classmates na ngayon ay isa-isa nang nagpapasa ng kanilang mga activity.
"Elisha."
Ang tunay na panget ay hindi tanggap ang sarili niya... at ako yon. Hindi ko tanggap ang sarili ko. Tama naman talaga. Panget ako.
"Elisha..."
Napalunok ako at kinagat-kagat ang labi. I'm doing my best to prevent my tears from falling. Nakakahiya kay Javen. Sabihin niya pa, panget na nga ako, iyakin pa.
Alam ko naman na panget ako at mas lalo kong binababa ang sarili ko sa paraan ko ng pag-iisip tungkol sa sarili ko. Alam ko naman yun e. Pero mas gugustuhin kong isipin na ganun na lang para hindi na ko masaktan in case na may taong magsabi na panget ako. Nakikita ko rin naman sa sarili ko.
Pero hindi ko inaasahang masasaktan pa rin ako na marinig yun sa ibang tao. Wala pang nagsasabi sa'kin na panget ako, maliban sa sarili ko... tapos ngayon ito. Ang sakit pala mareal talk ng iba.
Noon gusto ko silang umamin sa tunay na tingin nila sa'kin, handa na ko kung sakaling sabihin nila na hindi talaga ako kaaya-aya pero ngayong may tao nang nagsasabi ng totoo, hindi pala ko handa at masyadong nasanay sa mga magagandang sinasabi ng ibang tao.
Tapos si Javen, wala siyang pakundangan kung magsalita. Para bang wala siyang pakialam kung anong magiging epekto sa'kin ng mga sinabi niya.
Pero okay lang, at least sa sarili ko rin unang nagmula, na panget ako at hindi ko tanggap ang sarili ko. At ang manggaling yun mula sa isang probinsiyanong transferee ay medyo masakit, medyo nakakahiya at parang biglang nawala ang confidence na unti-unti kong nabibuild up sa sarili ko simula nang makilala ko si Marxille.
Unti-unting nawawala at bumabalik sa dati na wala akong mukhang maihaharap sa mga taong nakakasalamuha ko.
Parang gusto kong humagulgol at umiyak nang umiyak dahil sa panlulumo... nadisappoint ko ang lalaking naniniwala sa'kin at tanggap ako. Nadisappoint ko si Marxille Writes.
"Elisha!" Halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Javen sa tabi ko. Nakakunot noo siya at matalim ang tingin sa'kin.
"B-bakit..." matamlay na usal ko. Siniringan niya ko at hindi ako makapaniwalang tiningnan.
"Kanina pa kita tinatawag. Isusulat ko rin dito ang sinabi ko kanina. May idadagdag ka pa ba? Ipapasa ko na 'to." inis na sabi niya sa'kin at parang walang pakealam.
Padabog akong tumayo na ikinagulat niya. "Wala na kong idadagdag, ipasa mo na." matabang na bulyaw ko at agad siyang tinalikuran at wala sa sariling bumalik sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Ways of Destiny
Teen FictionThe photo used does not belong to me; credit goes to the rightful owner. A seventeen-year-old aspiring writer who uses RPW to share and promote his/her stories. Then luckily, destiny gave them a way to find each other. In RPW. Where you can fake you...