Chapter 24

14 1 0
                                    

Chapter 24

Dreams

Maaga akong nagising sa araw ng Sabado. Nag-update ng chapter, naglinis, at ngayon ay nagluluto na ng tanghalian. Yumu-hum pa ko ng kanta habang niluluto ang ulam namin. This day should be a good day.



"Elena..." Sinilip ko ang kapatid na kasama ko sa kusina. Ang taba-taba na nitong baby namin, katulad na ni Nari. Kumukurap-kurap siya sa'kin at ngumiti. Natawa ako at bumalik na sa ginagawa. Naalala kong isasabay ni Papa't Mama ang Christening ni Baby Elena sa birthday ko na malapit na.

Nasa labas si Mama at naglalaba at si Nari? Ayon, natulog ulit. Hinayaan na namin dahil parati na lang masama ang pakiramdam sa umaga.

"Ma, kain na po!" pagtawag ko kay Mama at dumiretso sa taas para gisingin ang pinsan. "Nari, wake up, you sleepy head!" sigaw ko sa mahimbing na natutulog. Natawa pa ko sa sinabi ko kasi nabasa ko lang yun sa wattpad.

Niyugyog ko siya dahil sayang ang pagkain sa baba, dapat kainin na habang mainit pa.

Kinuha ko ang phone ko na naka charge at chineck ko kung may message si Javen bebe ko. Matapos naming malaman ang totoo ay minsan na lang namin gamitin ang RPW accounts namin dahil gusto muna namin sulitin ang realidad na matagal na naming hiniling. But of course, we will not forget the RPW—that's the place where we first meet using Marxille Writes and Cyanara Manunulat identities.



Javen Solivar:

Gihigugma tika.

Aww, nag-off kasi ako agad kanina kaya hindi ko nabasa ito. Niheart ko na lang.

Elisha Clara Llanera:

Love, kumain ka na? Kakain na kami.



Oo na, hindi kami pero umaasta kaming magjowa. Eh, anong magagawa niyo? Mahal namin ang isa't isa. The feeling is mutual, sadyang hindi lang matanggap ni Mama't Papa. Tsk, sino ba kasing nagpauso ng ligaw-ligaw na yan?

Nauna nang bumaba si Nari dahil inintay ko pa ang reply ni Javen. Pero bumaba na lang din ako, off pa rin siya.



"Masarap luto mo, nak ah." puri ni Mama kaya napangiti ako. Nagsandok na rin ako para makakain.

"Yan pa, Auntie, inspired e." pang-aasar ni Nari. Natawa na lang ako at napailing. Wala si Papa ngayon dahil nasa trabaho.

Matapos kumain ay si Nari na ang naghugas ng pinggan. Habang nagliligpit ng mesa ay nilapitan ako ni Mama.

"Elisha..." tawag niya at nagulat ako dahil may hawak na siyang mga baunan.

"Ma, para saan yan?" tanong ko. Nilapag niya ang apat na baunan sa mesa at seryoso akong tiningnan.

"Masarap ang luto mo ngayon. Tsaka marami." sabi niya kaya napatingin ako sa Tinolang Manok na medyo marami pa. "May gagawin ka pa ba?" sunod niyang tanong.

Napalunok ako at napailing. Wala na naman akong schoolworks dahil kahapon pa lang ay tinapos ko na.

"Matutulog na lang pagkatapos nito, Ma. Bakit?" sabi ko at pinagpatuloy na ang pagligpit ng pinagkainan.

"Bigyan mo sila Javen at Dawin ng pagkain. Malapit lang naman ang hardware nila dito. Ibigay mo sa kanila ang tirang Tinola. Bilisan mo at nakita kong nagmessage sa'yo si Javen na hindi pa siya kumakain dahil marami silang customers."

Ways of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon